Elisse Habang papalapit kami ng papalapit sa venue ng party ay hindi ako mapakali at para bang kinakabag ako sa kabang nararamdaman ko. Kami lang dalawa dito sa sasakyan niya dahil may sarili namang sasakyan si Jacob at nakasunod lang sila samin. Napansin yata ni Luis na sobra ‘yung kabahang nararamdaman ko kaya hinawakan niya ‘yung kamay ko gamit ang kanang kamay niya. “Okay ka lang ba?” Tanong niya habang nakatuon pa din ang atensyon niya sa pagmamaneho. Sheyt! Pinagpapawisan na kasi ‘yung kamay ko sa sobrang kaba. “Are you nervous that we might see your ex in that party?” Tanong niya pang muli na mas lalong nagpatahimik sa’kin. “Do want to back out?” Rinig ko pang suhestyon ni Luis sa akin. I stopped him at napailing na lang ako. “No, nakaayos na tayo oh, at saka sayang din

