"Sa iyo rin ba ito?" tanong ni Regina nang isama siya ni Ford sa resort na pagmamay ari nila ng kaniyang kapatid. "Magkasososyo kami ng kapatid kong si Fern dito. Bale hati kami sa kita, hati rin kami sa gastusin kung may dapat ayusin dito..." sagot ni Ford. "Wow! Ang yayaman niyo naman yatang magkakapatid! Ilan ba kayong magkakapatid?" "Apat. Puro lalaki." "Ay ganoon? Eh 'di sabik pala sa anak na babae ang mga magulang niyo?" Tumango si Ford. "Oo... kaso wala eh. Ayaw na ni mommy mag- anak. Kaya ito, apat lang kami. Mga pasaway pero mababait naman." "Mahirap daw kasi ang manganak. Hindi biro ang maglabas ng bata. Isipin mo, iyong kipay naming mga babae mag- e- expand para ilabas ang bata! Kaya talagang nawawasak ang mga kipay ng babae kapag nanganganak eh. At talagang napakasakit ka

