"Anak? Pupuntahan mo ba ngayon si Darwin?" "Opo, mama. Pag- uusapan po namin iyong tungkol sa magiging business namin." "Okay sige mag- iingat ka sa byahe." Ngumiti ng matamis si Kiara. Pinuntahan niya ang kaibigan niyang si Darwin dahil ito ang kaniyang magiging partner. May tanong food business silang napag- usapan. Ang unli chicken wings, master burger at rice bowl. At dahil iyon naman talaga ang talento ni Kiara, kahit mahirap sa una, unti- unting nakilala ang kanilang business. Unti- unti nilang napasok ang mga malls na malapit sa kanilang lugar. "Ang cute ng size ng tiyan mo 'no? Hindi katulad ng ibang buntis na sobrang laki," natatawang sabi ni Jenica habang nakatingin sa tiyan ni Kiara. "Oo eh kasi nga ayoko siyang palakihin sa tiyan ko. Ang sabi ng OB ko, huwag ko raw palaki

