83

1440 Words

"Honey..." Dahan- dahang lumingon si Heaven. Matamis siyang ngumiti kasabay ng pangingilid ng kaniyang luha sa mata nang makita ang kaniyang anak na si Ford. Nakatingin ang inosente bata sa kaniya. Marahang lumapit si Kiara sa kinatatayuan ni Heaven at saka nito inilapit ang bata kay Heaven. "F- Ford..." garalgal ang boses ni Heaven kasabay ng pagpatak ng kaniyang luha. "Ford Thompson. Ang anak natin, honey..." sambit ni Kiara kasabay ng pag- agos ng masagana niyang luha. Mahigpit na niyakap ni Heaven ang kanilang anak. Panay ang agos ng kaniyang luha habang yakap ang kanilang anak. Umaagos din ang masaganang luha ni Kiara habang nakatingin sa kaniyang ama. Lumuluha siya dahil sobrang saya niya. Na sa wakas, buo na rin ang kaniyang pamilya. Nagkasama na rin ang mag- ama. Nawala na ang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD