PARANG sinisilaban ang buong katawan ni Bernard nang dalahungin siya ng halik ni Tori. Mainit, mapag-angkin at mapaghanap ang mga halik na iyon na awtomatikong gumising sa pagnanasa niya sa katawan niya. . Inilambitin ni Tori ang mga kamay nito sa batok niya habang siya naman ay tumalungko at saka kinarga ang dalaga bago nito ipinulupot ang nga binti sa baywang niya habang hindi pinapatid ang paghalik sa kaniya. “I'll make you mine now, Kingkong… even just for a while,” hinihingal na wika nito at saka muling sinakop ang bibig niya at sinupsop ang dila niya bago pa man siya makasagot. “Hmmm… Tori,” ungol niya dahil libo-libong kiliti ang dulot ng halik ng dalaga na sumentro sa kaibuturan niya. Inihaplos ni Tori ang palad nito sa mukha niya habang abala ang mga labi nito sa paghalik sa

