“OH, DARN it!” reklamo ni Tori pagkagising niya na tila ba pinupukpok ng martilyo ang ulo niya. Tinatamad siyang bumangon at saka pinag-krus ang dalawang binti paupo sa ibabaw ng kama bago itinukod ang dalawang siko sa hita niya at isinabunot ang kamay sa ulo niya. “Stupid beer!” “Don’t blame the alcohol, blame your tolerance.” Muntik na siyang mapasigaw nang biglang magsalita si Bernard na noo’y nakasandal sa may bungad ng banyo. “What the—why are you here? I mean—” “Why did you even drink last night?” putol nito sa sinasabi niya at saka lumapit sa kaniya. “Sumandal ka lang dito, I made you a hangover soup,” anito habang inaalalayan siya sumandal sa headboard ng kama. “I don’t want to. I wanna p**e!” angil niya saka akmang tatayo nang bigla na lang siyang pinangko ni Bernard at saka

