CHAPTER TWENTY-THREE

2911 Words

ALAS-SINGKO pa lang ng umaga ay gising na si Bernard. Inayos niya ang pinaghigaan sa sala bago dumiretso ng kusina. Pagkadating niya roon ay naabutan niya na nag-iinit na ng kape ang Lola Anita niya. “O, bakit napakaaga mo namang nagagising, apo?” gulat na tanong nito pagkatuwid nito ng tayo matapos hipan ang apoy sa gatong. “Good morning po, ‘la,” bati niya rito pagdaka’y lumapit siya sa maanda at nagmano rito bago siya kumuha ng baso at ng tubig mula sa tapayan. “Eh, ‘di pa po ipapasyal ko si Tori sa may tabing-dagat?” tugon niya matapos inumin ang tubig. Muli siyang kumuha ng tubig at saka siya pumuwesto sa may banggirahan at naghilamos doon. Pagkahilamos ay saka niya ipinatong ang basong ginamit sa may banggirahan pagkuwa’y lumakad patungo sa may lamesa at umupo sa may bangko. “Eh,

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD