NANGHIHINANG naglakad patungo sa front door si Tori bago humugot nang malalim na hininga at inayos ang sarili. Alam niyang halata pa rin sa hitsura niya ang ginawa niyang pagngawngaw sa banyo kanina but she couldn’t care less anymore. Harold had seen her at her worst and this is just one of those times na makikita siya ng kaibigan sa ganoong estado. “I’m fine, Harold. You shouldn’t have come here and—” sabi niya habang binubuksan ang pinto. Ngunit awtomatiko siyang napakunot ang noo at napatigil sa tuluyang pagbukas ng pinto nang mapagsino ang nasa labas ng pinto. “And what the hell are you still doing here?” mataray niyang tanong kay Bernard, her hands still on the door knob. Saglit lang na humaplos ang mata nito kaniya saka itinulak pabukas ang pintuan bago kusang pumasok sa loob ng ba

