CHAPTER FORTY-NINE

1704 Words

“Y-YOU’RE married?” tila nagulantang na tanong ni Bernard sa inilahad ni Allie. Hindi siya makapaniwala sa narinig kahit pa nga ipinakita na nito ang wedding ring nito sa kaniya. Kumunot ang noo niya. How come na hindi man lang iyon nasabi ng mga kabarkada ni Allie sa kaniya? Bakit hinayaan lang ng mga ito na hanapin niya ang dalaga kahit na alam naman ng mga ito na may gusto siya rito noon at ibinuyo pa na sa wakas ay naglalakas na siya ng loob ngayon na maligawan ang kababata? “Yup!” Tumango-tango ito bago uminom ng tubig. “C-Congrats,” bati niya rito bago alanganing ngumiti sa dalaga. “K-Kailan ka pa nag-asawa?” usisa niya, pilit nagpapakakaswal kahit pa nga medyo naiilang siya. Huminga ito nang malalim at saka muling sumandal bago pinagkrus ang mga braso sa tapat ng dibdib nito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD