AWTOMATIKONG napatigil sa balak sanang paglabas si Bernard nang marinig niya na tinawag ni Tori ang pangalan ng kapatid niyang si Harold. Pumihit siya at saka lalapit sana kay Tori ngunit agad siyang napatigil sa paghakbang nang makita niya ang hitsura ng babae. Sa ikalawang pagkakataon simula nang magkakilala sila, ngayon lang niya ulit nabanaag sa mukha nito ang kakaibang bahagi ng pagkatao nito. The side of her that is weak and vulnerable. Kumunot ang noo niya habang pinagmamasdan ang dalaga na tila ba nanghihina ang tuhod na umupo ulit sa katre. Napansin din niya na nanginginig ang kamay nitong nakahawak sa cellphone nito habang ang isang kamay naman nito ay tinipon ang gilid ng damit nitong suot at mahigpit iyong hinawakan. Tila ba doon nito ibinubunton ang nerbyos na nararamdaman na

