“COULD you please tone it down a notch?” bulong ni Bernard kay Tori dahil sa walang-patid na pagkuyakoy nito habang nginangatngat nito ang sariling mga kuko. Nasa kabilang bahagi sila ng sala ni Tori habang kasalukuyang kausap naman ng magulang nito ang Lolo Abel, nanay at step-father niya. Mataray siyang tiningnan nito saka pinaningkitan ng mata bago bahagyang inilapit ang mukha sa kaniya. “I can’t believe that you’re not even bothered by all of these! Like hello! Your family is here to—” She stopped talking when he shook his head and chuckled. He took a deep breath and amusingly looked at her. He then moved a bit closer to her, but she didn’t budge. She even kept her arrogant, ‘in your face’ expression while glaring back at him. “This is what you wanted, right? Eh, anong ikinatataran

