"Babe di na magkakasya yang mga damit mo!! Di ka dun titira no!!!" eh sa gusto ko marami yung damit ko eh, parang di naman to sanay sakin si shantel at sumisigaw pa talaga, parang bata naman kung sumigaw tsk
"Babe pabayaan moko just do your things and ill do mine okay??"
"im done na nga eh, look oh one luggage is enough for my things tas sayo kulang pa ata para maging lima eh!"kulang na lang ipasok niya sa mata ko yung maleta niya para masabi na one is enough.
Na irita na ata sakin kaya na una ng gumawa ng skincare. 1 week lang kami dun at di niya pinaalam kung saang hotel kami mag sstay, lagot talaga sakin yang babaeng yan pag mamahaling hotel yung pinili niya.
"Sleep kana babe, dont do itinerary na di naman masusunod" sabi niya sakin bago matulog. Yeah tama naman siya lahat ng itinerary na ginagawa ko di namin na susunod kaya pinagtatawanan niya ako.
Nang matapos yung skincare ko natulog naman kaagad ako sa tabi niya buti na lang talaga malaki yung kama ko, ayaw niya kasi na mahiwalay yung tutulugan namin ganon siya ka sweet . 3 guestroom and 1 study room ang meron sa unit namin maliban sa kwarto namin ngayon kaya ibig sabihin malaki talaga yung unit na meron kami pero siya si shantel na walang ibang gusto kungdi ang katabi ako.
"Babe!!! wake up!! i dont want to be late!!! please!!!" halata sa boses niya yung pagkairita kaya minulat ko yung isang mata ko, oo isa muna mamaya na yung isa para maging dalawa.
"hmmm??"
"Oh my gosh Cassidrelle wake up na nga kasi!!" kahit sa pag sigaw mahinhin pa rin, sanaol na lang talaga dzhai.
Baka maging tigre pa ang isang maamong pusa kaya tumayo na lang ako kahit na inaantok pa talaga ako. Ang aga niya palang nagising dahil naka pag luto na siya at maliligo na daw kami. 4am kasi yung flight namin kaya dapat nasa airport na kami ng 2 am dahil mas mabuti ng maaga keysa late kaming dalawa.
Sabay na daw kami sa pagligo dahil ayaw niya sa isang cr malapit sa kitchen namin. Kita mo pagtulog nga sabay eh, pagligo pa kaya pagiging walwalera ko lang ata di masabayan neto eh.
"Kaninong car yung gagamitin natin??" wala kasing maghahatid saamin kaya tinatanong ko kung kaninong sasakyan at kung akin man babayaran ko nalang yung airport para sa sasakyan ko na maiiwan.
"Yours nalang babe" tamad ata to mag drive eh kaya akin talaga yung gagamitin para ako yung driver.
Pagkatapos kumain nag lagay lang kami ng light make up para naman fresh kami tignan di yung parang nag tinda ng inasal. I get my car key at na una ng lumabas ng condo dahil si shantel daw mag lolock at may kukuhanin lang sa loob.
Inilagay ko sa compartment ng sasakyan yung dalawang maleta ko at di na mag kakasya kung pati kay shantel eh dito rin ilalagay kaya sasabihan ko nalang na sa backseat niya nalang ilagay yung sakanya. Katabi ng kotse ko yung kotse niya same brand and model kami ng sasakyan ang pinagkaiba lang yung kulay. Aston martin yung kotse namin pero kami lang yung may ganon na di maarte dzuhh.
"Babe back seat mo na lagay yung gamit mo wala na kasing space sa luggage compartment eh"
"Yah sure!"
Pagkarating namin sa airport sinicure ko muna yung sasakyan ko bago ibilin sa guard at siya na daw ang bahala kaya inabutan ko na ng pera.
Ginawa na namin yung mga dapat gawin bago hanapin yung boarding gate kung saan kami dapat na pupunta. Pagkarating namin sa eroplano ay natulog na lang kaagad ako dahil bumabalik yung antok ko 3 to 4 hours yung byahe eh kaya pwede pa talaga akong matulog.
Pagkagising ko kumakain lang si shantel at nanunuod ng movie kaya tumawag ako ng isa sa mga flight attendants para magpakuha ng pagkain.
Minutes passed at nag announce na yung pilot na malapit na kami sa Incheon international airport kaya nag handa na kami para sa landing. The landing was so smooth kaya eto yung gustong gusto ko sa lahat.
Kinuha lang namin yung mga luggage namin at nag tawag na ng taxi na pwedeng sakyan papuntang seoul. Si shantel na nag sabi kung saang hotel dahil siya lang naman may alam.
Im so excited na talaga kaya di maalis sa daan yung paningin ko. At gulat ako kung saan kami binaba ng driver dahil isa ito sa magandang at expensive hotel sa korea, kaya ganon na lang ang pa cute ni shantel saakin ng tumingin ako sakanya.
Grand InterContinental Seoul Parnas tsk mas sasakit yung ulo ko kay shantel kapag expensive suite yung kinuha niya. Siya ang humarap sa mga staff dahil siya ang may kagagawan kung bakit kami nandito sa hotel at yun na nga sinamahan kami nung isa papunta sa room namin.
"Babe dont get mad pleaseee minsan lang to kaya ito na yung kinuha ko..." wala na talaga, ang gastos talaga ng babaeng to o ayaw ko lang talaga na siya ang gumastos. Presidential suite ba naman yung kinuha tas one week pa kami dito
"Iloveyou so much Clara Cassidrelle my beautiful bestfriend please dont get mad..." dinaan pa sa pambobola
"oo na!!" ganda ng ngiti niya di niya alam eto na yung last na gagastos siya "di ka naman pagod siguro no??"
"Why?? wanna go somewhere??" Sayang yung suite dahil gala naman talaga yung pinunta namin dito
"N Seoul Tower??" famous yun dito sa korea eh at first time ko dito dahil mas nauna sa list namin yung france, germany, spain at yung iba pa at nasa huli tong korea.
"G!!"