Ilang araw na rin akong nandito sa dagat at masasabi ko talagang unti unti ng naghihilom ang mga sugat ko. Bumabalik na ang dating kalayaan na meron at wala nang magbabawal saakin. Wala nang mananakit saakin kaya ang saya saya ko. Hinding hindi ko na ipagpapalit ang lugar na to kahit sinong lalaki pa yan ang ihaharap saakin. Ilang araw na ring puro delata na lang yung kinakain ko kaya may na isip akong gawin. Oo matalino ako kaya may naisip ako kaso nga lang pag sa eskwela matalino pero di matino kaya paborito ako ng teacher eh. Paboritong ipatawag sa guidance. Ngayong araw na to para naman maiba yung kakainin ko, manghuhuli ako ng isda. Oo huhulihin ko, maghahabulan kami kung kinakailangan mahuli ko lang sila. Di ko alam kung paano ba manghuli ng isda gamit lang ang kamay o kung ano pan

