"It's okay Max. Hindi mo kasalanan 'yon. Huwag mong sisihin ang 'yong sarili. Hinahanap na nang mga pulis si Ivy. Anytime, kung mahuhuli siya, diretso na siya agad sa kulungan dahil sa dati niyang kaso at lahat ng evidence sa pagpatay niya sa mommy ni Janeth nasa ‘kin na. Kaya huwag ka nang mag alala. Matatahimik din tayo, ipagdasal na lang natin na mahuli si Ivy, okay?" saad ni Albert. "Yes Albert, Maraming salamat." hinatid ni Albert si Maxine sa kanyang bahay at naabutan nila si Michael na nakatayo sa labas ng gate. Pagbaba ni Maxine sa kotse lumapit agad sa kanya si Michael at niyakap siya nito ng sobrang higpit. "Maxine I'm sorry, I'm sorry. Ako ang dahilan kung ‘Bat napahamak kayo. Haayaan mong itama ko ang pagkakamali ko. Igaganti kita kay Ivy. Ang tanga ko Maxine, ang tanga tang

