CHAPTER 5

1143 Words
Excited si Maxine na umuwi ng bahay, kaya pagkatapos nang klase agad na siyang lumabas nang kanilang classroom. Nagtataka siya na wala sa parking lot ang scooter niya. Hinanap niya ito at alam niya na kung sino ang kumuha nito. "Huwag kayong magpapakita sa ‘kin sa oras na sinira ninyo ang scooter ko! Humanda kayong tatlo sa ‘kin." pumunta siya sa likod ng classroom at nakita niya ang tatlo na nagtatawanan. Puno nang pintura ang kanyang scooter. Nakita siya ni Professor Morales na pumunta sa likod. Sinundan niya si Maxine at nakita niya ang buong pangyayari. Kinunan niya ng video ang tatlo, habang nagtatawanan ang mga ito. Sinipa nila ang scooter ni Maxine at hinampas pa nila ito ng kahoy dahilan para mabasag ang side mirror nang scooter. Ang kanyang helmet ay ginawa naman nilang baseball. Lumapit si Maxine sa kanila at pinatay na ni Professor ang kanyang video. Pinagmasdan niya kung anong kayang gawin ni Maxine. Hinayaan niya lang na makaganti ang dalaga dahil nakita niya kung paano tumulo ang mga luha nito habang pinagmamasdan niya ang kanyang scooter na pinaglalaruan at sinisira ng tatlo. "Hindi niyo ba alam kung gaano ka importante sa ‘kin ang bagay na 'yan? Hindi nyo ba alam na mas mahal pa 'yan sa mga buhay ninyong tatlo? Sumusobra na kayo! Wala kayong karapatan na pakialaman at sirain ang gamit ng ibang tao!" sigaw ni Maxine sa kanila. "Hahaha, ngayon umiiyak ka na Maxine? Kung ganoon panalo na kami. Kasi kami ang unang nakakita sa mga luha mo! Trisha, Clara look at her, umiiyak siya oh kawawa naman gusto mo ng panyo Maxine? Clara may basahan ka ba? Ibigay mo sa kanya, kawawa naman ang dami niyang luha girls." nagtatawanan silang tatlo at natutuwa sila dahil nakita nilang umiiyak si Maxine. "Tapos na ba kayong tumawa?" tanong ni Maxine. Tinalian niya ang kanyang buhok at lumapit kay Clarissa. Agad lumipad ang paa niya sa mukha ng babae. Umikot siya at sinipa niya sa ulo si Trisha at lumipad na naman ulit ang sipa niya sa mukha ni Clara. Tumilapon silang tatlo pero agad namang nakatayo. Kumuha ang mga ito ng kahoy para gamitin nila laban kay Maxine. Naghanda si Maxine para hindi siya matamaan ng tatlo. Nang hahampasin na siya ng tatlo, agad naman siyang nakailag. Umupo siya at hinila niya ang paa ng dalawa at bumagsak sa lupa. Nang paluin na sana siya ni Clarissa hinawakan niya ang kahoy at hinampas niya ito sa tiyan ng babae. Napasigaw si Clarissa sa sobrang sakit. Tatayo na sana ang dalawa pero lumapit si Maxine at inapakan ang kanilang mukha. Bumalik siya kay Clarissa at inapakan niya ang tiyan nito. Tumutulo pa rin ang kanyang mga luha habang binubugbog niya ang tatlo. Hindi na naka tayo pa ang tatlo, kinuha niya ang kahoy at lumapit siya kay Clarissa. Naka pwesto ang kahoy sa ulo ng babae. Nang akmang ihahampas na ni Maxine sa ulo nito ang kahoy ay sumigaw si Professor Morales. "Maxine huwag! Tama na! Hindi mo kailangan gawin 'yan. Tama na, siguro ngayon madadala na sila. Hindi na nila uulitin ang mga ginawa nila sa 'yo," umiyak si Maxine sa galit. Humagugol siya nang iyak at niyakap siya ni Professor Morales at mas lalo lang siyang napaiyak dahil ramdam niya na alam na ni Professor ang totoo niyang pagkatao. "Maxine umiyak ka lang, huwag mong kimkimin sa dibdib mo. Mula ngayon puwede mo nang sabihin sa ‘kin ang lahat ng problema mo. At kayong tatlo, huwag ninyo itong ipaparating sa taas. Hawak ko ang video habang sinisira ninyo ang scooter ni Maxine. Para pa kayong may mga sanib. Kung ayaw ninyong ipakita ko ito sa taas tumahimik kayo! Mula ngayon huwag na huwag na ninyong pakikialaman si Maxine. At oras na may gagawin kayo ulit sa kanya hindi ako mag dadalawang isip na ipakita sa taas ang video." seryosong sabi ni Michael. Hinatid ni Michael si Maxine sa bahay nito, nasira na kasi ang motor ng dalaga kaya iniwan na lang niya ito sa school. Tumutulo pa rin ang mga luha ni Maxine kaya binigyan niya ito ng tubig at panyo. "Sige na punasan mo ang luha mo. Huwag ka nang umiyak please." Pakiusap ni Michael. "Okay na sir, hindi ko na kailangan ng panyo. Hihigupin ko na lang ang sipon ko kesa naman madumihan ko 'yan. ‘Saka, ayaw kong magkaroon ng utang na loob sa kahit na sino at babayaran na lang kita para sa gasolinang ginamit mo sa paghatid sa ‘kin. Kahit full tank pa, thank you ko sa 'yo kasi kung wala ka kanina baka mapatay ko na silang tatlo at siguro tatanda na ako doon sa kulungan pag nagkataon." tumawa si Michael sa narinig niya Kay Maxine. "Alam mo Max hindi lahat ng bagay nababayaran ng pera. ‘Saka hindi ko kailangan ang pera mo, meron ako. At mula ngayon sasabihin mo sa ‘kin kung may gagawin pa sila sa 'yo para hindi na maulit ang ginawa nila kanina. Ayokong tumanda ka sa kulungan mas gusto ko pa na mag kasama tayong tumanda." Sabi ni Michael na nakangiti. "Anong sabi niyo Sir? Hindi mangyayari 'yon Sir. Mas mauuna ka eh, ang tanda mo na kaya." Saad ni Maxine. "Wala! Sabi ko kawawa ka naman kung sa kulungan ka tumanda. Sayang, ang ganda mo pa naman kung rehas lang ang makikinabang sa ‘yo." ngumiti si Maxine ng sinabing 'yon ni Michael. Nakita ni Michael ang palihim na ngiti ng dalaga. Hindi nila namalayan na dumating na pala sila sa bahay ni Maxine. "Sir thank you. Ayaw mo ba talaga ng pang gasolina?" ngumiti si Michael at nakita niya na nag-blush si Maxine. "Bakit ka ngumingiti? Seryoso ako huh!" saad ni Maxine. "Maxine isang ngiti mo lang bayad ka na, okay? Sige na, pumasok ka na sa loob. Good bye Maxine." wika ni Michael. "Good bye sir, thank you ulit." ngumiti si Maxine kay Michael. Parang matutunaw na naman ang kanyang puso. Parang meron magnet sa mga mata ni Michael. Umiwas si Maxine nang tingin, dahil nakaramdam siya ng kakaiba. Pumasok si Maxine sa loob ng bahay at napahawak siya sa kanyang dibdib dahil sa lakas nang pagtibok nito. "Yaya nandito na po ako, tumawag po ba si mommy?" tanong ni Maxine kay yaya Carmen. "Maxine, hindi pa anak eh. Baka busy lang 'yon sa business n'yo. Maligo ka na para kumain ng snacks." "Palagi naman busy 'yon eh! Wala silang pinagkaiba ni daddy! Sige yaya, aakyat na po ako." "Anak, mag-shower ka na muna bago kumain. Tama na nga 'yang mobile legends na 'yan kakarating mo pa galing sa school. Mag study ka naman." "Yaya, hindi ko na kailangang mag-study. Mas okay nang hindi ako makapasa para bumalik tayo sa America." "Maxine, ayaw mo ba talaga dito? Masaya naman dito anak. Mamasyal ka para mag-enjoy ka."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD