Habang naka-locked ang pinto sa bodega, naghanap ng paraan si Albert. Binawe niya ang armas kay Ivy pero ayaw bitiwan ni Ivy kaya sinuntok niya ito sa sikmura at sinundan niya ng suntok sa mukha. Tumilapon si Ivy at naagaw ni Albert ang baril mula sa kamay nito. Kinalagan niya ng tali si Maxine, lumapit si Maxine kay Michael para kalagan ito ng tali. Nakasigaw si Ivy at nakapasok ang mga tauhan ni Ivy sa loob ng bodega. Hinila ni Albert si Ivy at tinutukan niya ito ng baril. Ginawa niya itong hostage para makaligtas silang tatlo. "Sige, lumapit kayo papatayin ko ang demonyo n'yong boss. Palabasin mo sila Ivy! Kung ayaw mong pasabugin ko ang ulo mo!" utos nito. "Lumabas kayong lahat kung ayaw n'yong patayin ko ang boss ninyo!" sigaw nito. "Lumabas kayo mga litse! Ayaw ko pang mamatay!" s

