Missing piece

466 Words
Kinabukasan pagkapasok ni Elisa sa trabaho ay nalaman niyang nag-check out na si George. Ayaw niya pala talaga sa tao? Sayang, pogi pa naman. She thought. Nagpatuloy ang buhay ni Elisa, at pilit na kinakalimutan ang nangyari sa pagitan nila ni George, pero hindi magawa ng utak niya ang kalimutan ito. Iniisip niya pa rin ang lalaki at napapatanong sa sarili kung naiisip din ba siya ng lalaki. Malamang hindi, ayaw nga sa'yo, diba? Bakit ba hindi niya makalimutan ang lalaking iyon? E wala pang isang linggo silang magkakilala. Ganito ba talaga ang epekto kapag soulmate ka ng isang bampira? Pambihira naman. "Siguro kailangan ko ng malakasang bakasyon." Oo, kailangan niya ng bakasyon. To cool her mind, to forget him. That soulmate thing and all. She needs to forget, and the the only solution she could think of is vacation. Nang araw ring iyon ay nag submit siya ng vacation leave sa head nila, at agad naman na inaprobahan dahil ito rin naman ang unang beses na nag-file siya ng vacation leave at deserve niya rin daw ito. Hanggang sa matapos ang shift niya ay nasa bakasyon pa rin ang utak niya, nag-iisip kung saan siya pupunta. Hindi niya na napansin na may nakamasid sa kaniya. Bumaba na siya sa parking lot at kumakanta-kanta pa habang binubuksan ang sasakyan niya at pumasok doon. Nang umandar na ang sasakyan ay nahagip ng mga mata niya ang anino ng isang pamilyar na lalaki. Pumikit siya at minulat muli ang mga mata pero wala na ito. "Kailangan ko na talaga mag bakasyon!" ang tanging nasabi niya bago pinaharurot ang sasakyan. Meanwhile, George who was hiding in the dark was looking at the car. Gusto niya itong sundan, ngunit alam niyang hindi niya mapipigilan ang sarili kapag malapit siya sa babae. Mauulit lamang ang nangyari noong nakaraan. Mas minabuti niyang umalis na lamang, dumiretso siya sa isang bar kung saan puro bampira ang naroon. Nang makarating sa bahay niya ay mabilis na nag-impake si Elisa ng mga gamit na dadalhin sa bakasyon niya. Naisip niyang mag bakasyon nalang sa isla para rin kumalma siya. Matapos mag impake ay saka pa lamang siya nag book sa isang isla, isang oras ang layo mula sa lugar nila. Sana naman maibsan na kung ano mang pangungulila ang nararamdaman niya ngayon pag nandon na siya sa isla. Maaga siyang nakatulog nang gabing iyon dahil na rin sa excitement. At gaya nong una, ay binantayan ulit siya ni George mula sa balkonahe niya. Pumasok siya sa loob ng kwarto nito at umupo sa kama, pinagmasdan niya ang babae at hinawakan ang kamay nito. Hinalikan niya ang kamay nito at marahan na pinisil. Hope you forget about me. Don't make this hard for me. He whispered. Lumingon pa siya ulit sa babae at umalis din kaagad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD