Due

1250 Words
"Anong nangyayari?!" natatarantang tanong ni Paulina. Kagaya niya ay bumalikwas din ito ng tayo mula sa pagkakahiga. Parehas silang na alimpungatan dahil sa malakas na tunog at malakas na paguga ng barko. Muntik pa nga silang mahulog sa kama kung hindi lang naging maagap si Roman sa pagkapit sa headrest ng kama.  Pupungay-pungay pa ang mga matang tumayo si Roman at naglakad sa may pinto.  "Walk faster!" natatarangtang sigaw ng isang babaeng dumaan sa kanilang cabin. Parang namang nagising si Roman sa gulat sa lakas ng boses nito. Nagpalinga linga siya sa hallway at napakunot na lamang ng noo nang makitang maraming mga tao ang nagpaparoo't parito. Lahat sila ay akay-akay ang mga mahal nila sa buhay at mababakas sa kanilang mga mukha ang pag aalala.  "Ano'ng meron?" tanong ni Paulina nasa likuran na pala niya. Nagkibit balikat siya at sinubukang harangin ang papadaan sa kanilang magkasintahan na banyaga. "Hey, sir! Wait! What is happening?"  Tumigil ang dalawa sa paglalakad at tiningnan silang dalawa. "There is something wrong in the boat and they are not telling anyone about it." Bahagyang lumunok ang lalaki. "We are guessing that this is sinking. You should immediately go to the main deck," dagdag pa nito.  "What?!" sabay na sabi ni Paulina at Roman. Tumango na lamang ang lalaking kausap nila dahil hinila na ito ng kasintahan nitong nanginginig na sa takot.  "R-Roman." Napakapit si Paulina sa braso niya. Kitang kita ni Roman ang takot sa mga mata nito. Huminga siya nang malalim at pilit na kinalma ang sarili. Hindi siya pwedeng matakot ngayon, dahil kung pangungunahan siya ng panic ay baka mapasama lang silang dalawa.  Mabilis na hinatak ni Roman papasok si Paulina. Pinagsuot niya ito kaagad ng damit dahil naka pantulog lamang ito. Siya naman ay naghanap ng lifevest sa loob ng cabin nila. Saglit lamang niya itong ginawa dahil nasa itaas lamang ito ng cabinet na pinaglalagyan nila ng gamit. Iniabot niya agad ang isa kay Paulina at siya naman ay mabilis na nagsuot ng pantalon at t-shirt niya. Pagkatapos naman ang lifevest.  Inakay na niya si Paulina palabas at sumabay sa agos ng mga nahihintakutang mga tao. Marami na ang nag-iiyakan dahil sa unti-unti silang tumatagilid sa kanilang paglalakad. Idagdag pa ang malakas na pagtunog ng alarm ng barko na nakakadagdag ng kaba.  "R-Roman, mamatay na ba tayo?" biglang tanong ni Paulina na putlang putla na. Ramdam niya rin ang panlalamig ng mga kamay nitong nakayakap ng mahigpit sa kanya. Bahagya niyang tinapik ang balikat nito. "Hindi Paulina. Hindi ko hahayaang mangyari sa atin 'yon. Pangako," sagot niya. Sa totoo lang ay blangko na ang isipan ni Roman. Pagkarating kasi nila sa main deck ay punong puno na ng mga tao. Mayroong nasa gitna na nasigaw at sinasabihang h'wag magpanic ang mga tao at bumalik sa kani-kaniyang mga silid. 'Bobo ba siya?'  Nakaramdam ng inis si Roman dahil sa sinabi ng babae.  "Bullshit! We're all gonna die if we just stay here! Let's go to the lifeboats!" sigaw bigla ng isang lalaking may hawak na umiiyak na bata. Agad namang sumang-ayon ang mga tao kaya wala nang nagawa pa ang mga crew ng barko noong magpuntahan na roon ang mga tao.  Sumunod lamang sila Roman. Pagkarating nila roon ay mas lalo nang tumatagilid ang pagtayo nila. Napalunok siya nang makita ang malawak at itim na itim na karagatan. Wala kang maaninag na kahit na ano rito. Lalo tuloy bumilis ang t***k ng puso niya.  "s**t," mahinang mura niya nang unti-unting makitang pumapatak ang ulan. Lumakas din ang hampas ng alon at maging ang simoy ng hangin ay lalong lumamig. Naghiyawan na tuloy lalo ang mga tao at unti-unti nang nagkakagulo. Batid nilang lahat ang pwedeng mangyari kapag lumakas pa ang ulan. "R-Roman," nahihintakutang tawag ni Paulina sa nobyo.  "M-Magiging maayos din ang lahat."  "M-Mahal na mahal kita, tandaan mo 'yan."  Natigilan si Roman sa sinabi ng kasintahan. Binaba niya ang tingin niya rito at nakita niyang umiiyak na ito. "Paulina, h'wag kang mag-alala. Gagawa ako ng paraan para makaalis tayo rito."  "Basta, kahit na ano'ng mangyari sa ating ngayon. Mabuhay man tayo o hindi. Palagi mong tatandaan na mahal na mahal kita, Roman. Ikaw at ikaw lang ang mamahalin ko," ani nito at mas lalong humigpit ang yakap sa kanya.  Hindi niya alam kung bakit, ngunit bigla na lamang naging triple ang kabang kanyang nararamdaman dahil sa sinabi nito. Nagangat ito ng paningin pero napakunot siya ng noo nang hindi niya maaninag ang mukha nito. Muli siyang pumikit at nang imulat niya ang mga mata niya ay nakangiti na ito sa kanya. Nakangiti ito ngunit punong puno ng luha ang mga mata nito at makikita mo ang takot dito. "Mahal na mahal din kita, Paulina. Makakaalis tayo rito. Makakauwe tayo," ani niya at niyakap ito ng mahigpit. Dinampian niya ang noo nito ng halik.  Pilit niyang iwinawaksi ang takot na kanyang nararamdaman. Ayaw niyang makita ni Paulina na natatakot siya. Tahimik lang silang pumila sa mga taong papasakay sa lifeboat kahit na nakakaramdam na ng panic dahil sa lalong bumibilis ang pagtagilid ng barko. Marami na ang nagiiyakan sa mga kasama nila dahil sa nangyayari. Lalo kasing pinabilis ng malakas na ulan ang paglubog ng barko. Lalo tuloy silang mahirapan sumakay sa lifeboats. Tig-lima ang binababang mga lifeboats ngunit hindi iyon sumasapat para sa mga taong nasa barko pa. Nasa trenta lang kasi ang kaya niyon at ang sakay ng barko ay nasa mahigit apat na libo. Idagdag pa ang mga crew ng barko. Sasasapat naman ang mga ito para sa kanila ngunit dahil sa biglaang pagsama ng panahon ay kukulangin sila sa oras. Kaya naman kahit na trenta lamang ang pwedeng isakay roon ay dinadagdagan pa nila para mapadali. Ilang sandali pa ang hinintay nila ay nakasakay na rin sila Roman at Paulina sa lifeboat. Bahagya siyang nakaramdam ng kapanatagan noong makasakay na sila. Ngunit si Paulina ay nananatili pa rin ang takot na nararamdaman. Hindi nito maipaliwanag kung bakit ganon na lamang ang takot na kanyang nararamdaman. Pilit na kinalma ni Paulina ang sarili at kumapit ng mahigpit sa kanyang nobyo.  Matapos mapuno ang lifeboat ay nagumpisa na iyong umandar. Bahagyang malikot ang pagpapaandar niyon dahil sa masamang panahon at sa dami ng mga nakasakay roon.  "Diba? Magiging maayos din ang lahat?" nakangiting turan ni Roman sa kasintahan. Gumanti naman ito ng ngiti.  "O-Oo. Salamat sa Diyo-"  Hindi na natapos pa ni Paulina ang sasabihin niya dahil bigla na lamang niyanig ang sinasakyan nilang lifeboat. Napuno ng sigawan ang sasakyan na unti-unting nawawala dahil sa mabilis na pagpasok ng tubig sa loob. Mabilis na kumilos si Roman at pilit na lumangoy palabas ng bangka habang yakap-yakap ang kasintahan. Ngunit muntik na niyang mabitawan ang dalaga noong hindi niya ito mahatak. Nilingon ito ni Roman, na ipit ang paa nito sa pagitan ng upuan. Mabilis na lumangoy pabalik si Roman para tanggalin iyon.  Napabuka na ng bibig si Paulina sa sa pagpapanic dahil unti-unti na siyang lumulubog. Nahihila kasi siya ng bangka. Hininihila na ni Paulina si Roman paakyat dahil kinakapos na ang dalaga ng hangin. Ngunit hindi nawawalan ng pagasa si Roman, ayaw niyang iwanan ang pinakamamahal niyang nobya. Nilingon niya muna ang dalagang nakatingin sa kanya at hindi na gumalaw. Sinipa nang sinipa ni Roman ang upuan hanggang sa bahagya itong mayupi. Mabilis na lumangoy si Roman paakyat habang yakap-yakap si Paulina.  Ngunit pagkaahon niya ay nagdilim ang kanyang paningin noong may tumamang matigas na bagay sa kanyang ulo.  Nawalan siya ng malay. (c) 02-04 by Ameiry Savar
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD