Nakaupo ako ngayon, nakasandal sa malamig na bedframe ng suite, habang si Nathan ay nakahiga sa tabi ko, ang ulo niya nakapatong sa hita ko, parang isang lalaking wala nang pakialam sa mundo. Pawisan pa kami pareho, parehong humihingal, pero unti-unti na ring bumabagal ang mga puso naming kanina’y parang sumasabog.
Tahimik muna. Wala kaming imik. Tanging tunog lang ng aircon at ng mabilis kong hininga ang bumabalot sa silid. Hinahaplos ko ang buhok niya, marahan, habang nakapikit siya, parang inaamoy ang balat ko.
“Bella…” mahina niyang tawag, halos bulong. Binuksan niya ang mga mata niya, diretso sa akin, at napalunok ako sa bigat ng titig niya.
“Hmm?” mahina kong sagot, pilit kong pinapakalma ang kaba ko.
Sumilip ang ngiti sa labi niya, pero hindi iyon ngiting maloko gaya ng madalas kong makita. Iba—seryoso, totoo. “I have to tell you something.”
Napatingin ako sa kanya, hinihintay ang susunod na salita.
“Love at first sight ka sa’kin, Bella.”
Parang may humigop ng hangin sa dibdib ko. Napatigil ang kamay kong humahaplos sa buhok niya. “W-What?”
Umupo siya, naupo sa tabi ko, parehong nakasandal sa bedframe. Nakaunan pa ang isang braso niya sa ulunan ko, habang diretso ang mga mata niya sa mga mata ko.
“From the moment I saw you sa pool…” malalim ang boses niya, may halong kaba. “Parang wala na akong ibang nakita. I wanted you—more than I’ve ever wanted anything. And when I touched you, when I kissed you… Bella, it was like I’d been waiting for you all my life.”
Hindi ko na alam kung paano ako hihinga. Ramdam kong nanginginig ang mga daliri ko, at pilit kong hinahawakang mahigpit ang kumot para hindi mahalata.
“Nathan…” mahina kong sambit, pero hindi ko na natapos.
Hinawakan niya ang kamay ko, pinisil iyon ng mahigpit. “I know it sounds crazy. We’ve only known each other for what? Days? Weeks? Pero Bella… I swear, I’ve never felt like this. Ever. And it terrifies me… because I don’t want to lose you.”
Parang gumuho ang lahat ng depensa ko. Nakatitig lang ako sa kanya, at doon ko naramdaman na wala na akong maitatago.
Huminga ako nang malalim, pilit na kinakalma ang sariling bumabayo ang dibdib. “Nathan… mahal na rin kita.”
Nagulat siya, pero kasabay ng gulat ay ang pagkinang ng mga mata niya. “You… you do?”
Tumango ako, kahit nanginginig. “I tried to fight it, I swear. Kasi mali, Nathan. I’m married. I should hate myself right now. Pero… every time I look at you, every time you touch me… lahat ng takot, lahat ng sakit, lahat ng bigat sa buhay ko… nawawala. You make me feel alive. You make me feel… seen.”
Tumulo ang isang luha sa mata ko. Hindi ko napigilan. “Sa piling mo, nararamdaman ko kung sino talaga ako—hindi yung title, hindi yung image na nakikita ng tao sa modelling world. Just… me. Bella.”
Hinaplos niya agad ang pisngi ko, pinunasan ang luha ko. “Baby…” bulong niya. “You don’t know how much that means to me.”
Pero agad ding sumikip ang dibdib ko. “Pero natatakot ako, Nathan.”
“Natatakot?” tanong niya, marahang inaayos ang buhok ko na nakalugay sa mukha.
“Oo…” Napakagat ako ng labi. “Natatakot akong malaman ni Victor. Kasi alam ko… he’s dangerous. Hindi siya basta-basta lalaking niloloko. Kaya ko pa siyang tiisin… pero kapag nalaman niyang may iba ako…” Napatigil ako, nanginginig ang boses. “… I don’t know what he’ll do. To me. To you.”
Nakita kong tumigas ang panga ni Nathan, at kumuyom ang kamao niya. “If he ever lays a hand on you…” Hindi na niya tinapos, pero ramdam ko ang apoy sa loob niya.
Hinawakan ko ang kamay niya, pilit na pinapakalma. “Nathan, please. You don’t know him the way I do. Hindi mo alam kung gaano kalalim ang koneksyon niya sa lahat. Business, politics, even underground. He has eyes everywhere.”
Natahimik siya, tumitig sa akin, at doon ko nakita ang pinaghalong galit at pag-aalala.
“I don’t care, Bella,” mariin niyang bulong. “All I know is I want you. I need you. I’ll protect you. Kahit saan. Kahit kanino.”
Napapikit ako, napahawak sa dibdib niya. “Mahal kita, Nathan… pero paano kung mahuli tayo? Paano kung masaktan ka dahil sa’kin?”
Hinila niya ako papalapit, niyakap ako nang mahigpit, parang ayaw na akong pakawalan. “Then let him try. I’m not afraid, Bella. The only thing I’m afraid of… is losing you.”
At doon ako tuluyang bumigay. Umiyak ako sa dibdib niya, mahigpit ang yakap, habang paulit-ulit niyang hinahalikan ang ulo ko.
Sa sandaling iyon, sa loob ng malamig na suite sa Japan, wala kaming ibang iniisip kundi ang katotohanan na kahit gaano kabilis, kahit gaano kapanganib… mahal na namin ang isa’t isa.
At iyon ang mas nakakatakot kaysa kay Victor.
Tahimik kaming nakasandal sa bedframe. Ramdam ko ang init ng katawan niya sa tabi ko, habang marahan niyang hinahaplos ang balikat ko, para bang hinihikayat akong magsalita.
“Baby,” bulong ni Nathan, malumanay pero puno ng pagnanasa ring maunawaan. “Tell me about you. Paano kayo nagkakilala? Bakit siya? Why Victor?”
Humigpit ang dibdib ko. Parang gusto kong tumakbo, pero alam kong kailangan kong sabihin. Huminga ako nang malalim.
“Victor wasn’t always my husband. He was… my mother’s employer. Mama worked as a helper in the Salazar mansion, Papa was one of his bodyguards. Doon ako lumaki—sa paligid ng yaman nila, pero lagi kong alam na hindi ako kabilang.”
Naramdaman ko ang dahan-dahang paghinto ng daliri niya sa braso ko, pero hindi siya nagsalita. Tila hinihintay niya lang ako.
“On my eighteenth birthday…” pinikit ko ang mga mata ko, ramdam ko ang kirot. “…Victor lent Papa one of his cars. Para daw may magamit kami sa isang family outing. Pupunta sana kami sa Tagaytay. Masaya ako noon, kasi for once… buo kami. Complete.”
Napakagat ako ng labi, nanginginig ang boses ko. “Pero hindi na kami nakarating. On the way, may humabol. Tinadtad ng bala ang kotse. Nawalan ng kontrol si Papa… nahulog kami sa bangin. My parents died instantly.”
Narinig ko ang mabilis na paghinga ni Nathan. Napapikit siya, parang siya ang tinamaan ng bala.
“I… I didn’t die.” Tuloy ko, halos pabulong. “But I almost did. I was in a coma for six months. Six months na walang kasiguruhan kung gigising pa ako. At pagmulat ko…” tumulo ang luha ko, “wala na akong pamilya. Ang natira lang… si Victor.”
Hinaplos ni Nathan ang pisngi ko, pinunasan ang mga luha ko, pero hindi niya ako pinigilan magsalita.
“He paid for everything. Hospital bills. School. He told me I was safe with him. Na wala akong dapat alalahanin. And when you wake up broken, alone… at may isang taong nagsasabing siya na ang bahala, you hold on to that. You believe it.”
Umiling ako, nanginginig. “Kaya nang inalok niya ako ng kasal, Nathan… I said yes. Hindi dahil mahal ko siya. Pero dahil utang na loob. Dahil utang na buhay.”
Matagal siyang hindi kumibo. Nakatingin lang siya sa akin, mahigpit pero maingat ang hawak niya sa kamay ko.
“Bella,” bulong niya sa wakas, nanginginig ang boses. “You don’t owe him forever. Hindi mo kailangang isugal ang puso mo dahil lang sa utang na loob. He saved your body, baby… pero hindi ibig sabihin he owns your soul.”
At doon ako tuluyang napaiyak. Kasi ngayon lang, sa unang pagkakataon, may nagsabi sa akin niyon.
Tahimik si Nathan matapos kong ikuwento ang lahat. Nakapikit siya, parang pinipilit kontrolin ang galit na unti-unting sumisiklab sa mga mata niya. Marahan niyang hinaplos ang buhok ko, pero ramdam ko ang bigat ng bawat himig ng boses niya nang magsalita siya.
“Baby… have you ever thought na maybe… it wasn’t just an accident?”
Napatingin ako sa kanya, gulat. “W-What do you mean?”
Huminga siya nang malalim, diretsong nakatitig sa mga mata ko. “Tinadtad ng bala ang sasakyan ninyo. Hindi iyon simpleng car crash. Someone wanted your parents dead. Someone wanted you silenced with them.”
Parang may sumabog na bomba sa loob ng dibdib ko. Ramdam ko ang mabilis na t***k ng puso ko, parang hinihila pababa ng bigat ng mga salita niya.
“Pero… Victor said—”
Nathan gently but firmly interrupted, “Victor said what? Na aksidente lang? Na wrong place, wrong time?” Umiling siya, mahigpit ang panga. “Bella, think. He lent your father that car. He was the only one who knew where you were going that day. At pagkatapos… siya lang ang natira. Siya lang ang nagligtas sa’yo. Don’t you find that strange?”
Nanlamig ang buong katawan ko. Gusto kong itaboy ang iniisip niya, pero bumabalik sa alaala ko ang bawat detalye. Ang mabilis na paghabol ng mga motorsiklo. Ang walang tigil na putok ng baril. Ang pagsigaw ni Mama. Ang pag-ikot ng sasakyan pababa ng bangin.
“Stop…” bulong ko, nanginginig, halos hindi na makatingin sa kanya. “Nathan, please… I don’t… I can’t…”
Hinawakan niya ang mukha ko, pinilit ipaling sa kanya ang tingin ko. Hindi galit, kundi desperasyon ang nakita ko sa mga mata niya.
“You deserve the truth, Bella. Kahit gaano kasakit. Kasi if I’m right… then the man you think saved you… might also be the man who destroyed your family.”
Tumulo ang luha ko, isa-isa, hindi ko na napigilan. Ang mga salitang iyon ay parang kutsilyong humiwa sa sugat na matagal ko nang pilit tinatakpan.
“Victor…” bulong ko, halos hindi ko masabi. “…all this time…”
Niyakap ako ni Nathan nang mahigpit, halos parang gusto niya akong ipagtanggol laban sa multo ng nakaraan. Ramdam ko ang t***k ng puso niya laban sa dibdib ko.
“Shhh… you’re safe now, baby. With me. I’ll protect you. Pero kailangan mong buksan ang isip mo. Kasi the more you stay by his side, the more dangerous it becomes for you.”
At sa unang pagkakataon, hindi ko alam kung mas natatakot ako sa mga baril na kumitil sa buhay ng mga magulang ko noon—o sa katotohanang baka tama si Nathan.
“Baby, pwede bang huwag ka nang bumalik sa kanya?” Mahina pero puno ng pagmamakaawa ang boses ni Nathan. Nakatitig siya sa akin, para bang ayaw na ayaw niya akong pakawalan.
Napapikit ako, pinilit kong lakasan ang loob ko. “Nathan… hindi pwede. Hindi ganoon kadali.”
Hinawakan niya ang kamay ko, masuyong hinaplos ang balat ko ng hinlalaki niya. “Bella, please… hindi ko kayang isipin na bumabalik ka sa bahay ng lalaking ’yon gabi-gabi. But I promise you… gagawa ako ng paraan para makawala ka sa kanya. Just wait for me, okay?”
“Wait?” bumuntong-hininga ako, halos mapait ang ngiti ko. “Nathan, paano kung hindi ko kayanin? Paano kung malaman niya?”
Bigla niyang hinaplos ang pisngi ko, pinatingin ako sa kanya. “For now… just don’t shut me out. That’s all I’m asking. Hayaan mong bantayan kita kahit malayo.”
Napakunot ang noo ko. “What do you mean?”
Umabot siya sa bedside drawer at kinuha ang cellphone niya. Pinakita niya sa akin ang isang maliit na app. “A friend of mine runs our cyber-security team sa hotel. Confidential ito… ginagamit namin para sa mga executives abroad. Para sa safety. Gusto kong lagyan ng tracker ang phone mo, Bella. Para kahit saan ka magpunta… I’ll know. I can protect you.”
Nanlaki ang mata ko. “Nathan… hindi ba delikado ’yon? Paano kung mahuli ni Victor?”
Umiling siya. “Hindi niya mahahalata. Invisible sa normal system. Ang makakakita lang ng location mo ay ako.”
Kinuha niya dahan-dahan ang phone ko mula sa purse, humingi muna ng permiso gamit ang mga mata niya bago ko iniabot. Sa mismong kama, naupo siya sa tabi ko at binuksan iyon. Nakita ko ang daliri niyang mabilis na nag-type, parang sanay na sanay.
Habang abala siya, hindi ko maiwasang mapatitig. Ibang klase talaga si Nathan — halong businessman at protector, mapanganib pero nagbibigay sa akin ng kakaibang kapanatagan.
Maya-maya, ngumiti siya at ibinalik ang phone ko. “Done. Now I’ll know if you’re safe… or if you’re in danger.”
Napakagat ako sa labi, mahigpit ang hawak sa cellphone ko. “And what about you?” tanong ko, halos bulong.
Ngumisi siya ng bahagya, sabay abot ng phone niya. “Same app. Sinink ko na rin. Kung gusto mo akong makita, kung gusto mong malaman kung saan ako… I’m just one tap away. We’ll never be lost from each other, Bella.”
Parang may kung anong kirot at kilig na sabay na dumaloy sa dibdib ko. Para kaming nagtatago sa dilim, gumagawa ng sariling mundo laban sa lahat.
Niyakap niya ako bigla, mahigpit, parang ayaw na akong bitawan. “Baby… kahit gaano kalayo, kahit gaano kapanganib… we’ll find a way back to each other. Promise me you’ll trust me.”
Niyakap ko siya pabalik, pinikit ang mga mata ko. “I trust you, Nathan.”