Chapter 1: First Meet

1284 Words
Gaano nga ba kahirap mahalin ang isang tulad mo? Sa sobrang daming nagmamahal sa'yo hindi ko alam kung mapapansin mo pa ako. Isa ako sa mga taong sunod ng sunod sa'yo kahit na sobrang hirap tinitiis ko. Ang totoo ay minsan napapagod na ako. Gusto kong sumuko kasi para bang ang labo. Pero isang araw, pinagtagpo tayo. Hindi ko pinilit dahil kusang pinaranas ng langit. Kung kailan bibitaw na ako, doon mo ako hindi sinuko.  Mahal, tatlong taon kitang pinaglaban. Nag-umpisa sa pangungulit ko sayo hanggang sa ikaw na mismo ang gumawa ng paraan makasama lang ako. Biruin mo 'yun? Fan lang naman ako noon, pero minamahal mo na ngayon. Pero tulad ng isang libro. Kahit gaano pa kaganda ang kuwento, kailangan din nating umabot sa dulo. *** "Bilisan mo naman bes! Malapit na daw lumabas ang TALA." ani Venice habang hinihila ako papasok ng mall. Ngayon kasi ang mall show ng paborito naming boygroup na TALA at halos isang linggo na rin kaming excited sa event na ito. Lalo na't napaka busy nila ngayon dahil sa comeback nila. "Sandali lang naman! Ihing-ihi na ako e. Kung gusto mo ay mauna ka na at ipagreserve mo na din ako ng upuan." sabi ko at binawi ang kamay ko sa kaniya. Kahit naman gustong-gusto ko na makita ang TALA ay hindi ko ipagpapaliban ang pag-ihi ko. Kanina pa kasi ako ihing-ihi magmula pa sa bahay. "Hay naku sige na nga! Bilisan mo ha! Hintayin kita sa loob." aniya at nauna na sa akin. Ako naman ay hinanap ko yung cr at nang makita ko 'yun ay dali-dali akong tumakbo patungo roon. - "Sa wakas!" usal ko nang matapos ako sa cr. Grabe din yung tiniis ko dun dahil halos isang oras din ang byahe simula sa amin hanggang dito sa mall.  Speaking of mall, grabe naman talaga ang tao ngayong araw. Sobrang dami at halos mga nakakulay asul na tshirt. Yun kasi yung fandom color ng TALA. Mababakas mo sa mukha nang lahat ang excitement sa pagdating ng tala. Babalik na sana ako sa event place kung saan naghihintay si Venice nang may kung sino ang nakabungguan ko.  "Sorry po!" natatarantang sabi ko lalo na't natapunan siya ng kape na hawak-hawak niya. Sinubukan kong punasan ang damit niya pero nagulat ako nang pinigilan niya ang kamay ko at padabog na inihagis ito sa ere. "Huwag mo akong hahawakan." aniya at sinamaan ako ng tingin. Nagulat ako nang mapagtanto ko kung sino ang nasa harap ko. Makailang beses ko pang kinusot at mata ko dahil hindi ako makapaniwala kung sino siya. "L-Lucas?" utal na tanong ko pero tulad kanina ay masama pa rin ang tingin niya sa akin. Hindi ko alam kung titili ba ako o pupunasan ang damit niya dahil sa kanilang lima, si Lucas ang bias ko! "T*nga ka ba? Bakit hindi mo tinitignan ang dinaraanan mo? Alam mo bang may event kami ngayon?" inis na sabi niya na siyang nagpamaang ng bibig ko.  Teka lang, sinabihan niya ba akong t*nga? Si Lucas? Makapagsasalita sa isang fan ng ganoon?  Parang nawindang ang buong sistema ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko maiwasang kuluan ng dugo dahil sa ang layo ng ekspeksyon ko sa kaniya kaysa sa realidad niya. Ganiyan ba talaga ang isang Lucas Berdin Ajero?  "Sinong t*ngang sinasabi mo? hoy lalake ikaw itong hindi tumitingin sa dinaraanan mo. Kita mo nang kagagaling ko lang sa cr oh!" sabi ko sabay turo sa cr na pinanggalingan ko. "Hindi ko alam na ganyan ka pala." "Dre!" sabay kaming lumingon ni Lucas sa tumawag at doo'y papalapit sa amin ang isang lalaking naka all black na damit at nakasuot ng itim na sumbrero't facemask. "Dre kanina ka pa namin hinahanap. Ang dami nang fans sa paligid kailangan na nating pumuntang backstage." ani Kyle, isa sa mga kagrupo niya. Pero nabaling ang tingin niya sa akin at ganoon na din sa damit ni Lucas. "Ayos ka lang miss?" "Of course she's fine. Ako nga itong natapunan ng kape kainis!" ani Lucas at nilayasan kaming dalawa ni Kyle. Inis ko ding sinundan ng tingin ang lalaking iyon pero nagulat ako nang hawakan ni Kyle ang kamay ko. "Nabuhusan din siguro ng kape ang kamay mo. Heto ang panyo, ibalot mo muna diyan at kung makakadaan ka sa hospital or clinic pacheck-up mo yan namumula kasi." nahihiyang sabi niya at mabilis na tumakbo palapit kay Lucas. Naiwan naman akong nakatulala sa kanilang dalawa na ngayon ay parehong tumatakbo na papasok doon sa backstage ng event. Bakit parang may mali? Hindi yata normal ang pintig ng puso ko. - "Bakit ngayon ka lang? Kanina pa nag-uumpisa yung event oh!" sigaw na ani Venice sa akin lalo na't napaka lakas ng tugtog at nandito kami sa may harapan na malapit sa speaker. "Huwag mo na akong tanungin." walang ganang sabi ko at tumingin na sa harapan ko na ngayon ay nagpe-perform ang TALA. Napukaw ng atensyon ko si Lucas na ngayon ay bumalik na ang awra niyang masiyahin at pafall kung tumingin. Napangiwi nalang ako nang maalala ko ang nangyari kami. ""Tch akala mo kung sinong mabait at ngiti ng ngiti, masama naman pala ang ugali." inis na bulong ko sa sarili. "Ano yon?" ani Venice at tumingin sa akin. Halata kong nag-eenjoy siya ngayon dahil simula kanina ay tili siya ng tili. Lalo na't pareho kaming dalawa na si Lucas ang bias.  Umiling lang ako at ibinalik ang tingin ko sa grupo. Habang sumasayaw sila, naagaw ni Kyle ang atensyon ko. Tipid ang pagngiti niya pero kita ko sa mata niya ang saya. Hindi ko maiwasang maalala kung gaano siya kathoughtful kanina bago niya akong iwanan mag-isa. Napatingin ako sa kamay ko na ngayon ay nakabalot ng panyong bigay ni Kyle. Akala ko noon ay sa kanilang lahat ay si Kyle ang pinaka masungit at suplado. Pero sa nalaman ko kanina, masasabi kong napakabait pala niya. "SALAMAT ILAW!" naiangat ko ang aking paningin nang sabay-sabay nilang sinabi iyon. Hindi ko namalayang tapos na pala ang performance nila. Masyado kasing lumilipad ang isip ko. Halos hindi magkandaumayaw ang mga fans nila kabilang na si Venice dahil sa kilig na nararamdaman para sa lima. Ako lang yata ang walang reaksyon sa pagbati nila. "Hi everyone, Im Kyle the main dancer of TALA." pagpapakilala ni Kyle kasabay ng pagsayaw niya. Nagsitilian naman ang mga fans dahil napaka lakas nga ng dating niya sa ginawa niyang iyon. "Hi po! Ako naman si Jake ang bunso ang grupo. Kamusta kayo?" ani Jake na hindi mo mawari kung sobrang guwapo ba niya o sobrang ganda hindi sa hulma ng mukha niya.  "Hi Ilaw, I'm Sam! The leader of TALA." simple pero sobrang lakas nang dating na pagpapakilala ni Pinuno.  "Hi everyone Im James the most charismatic member of TALA, nice to meet you all." ani James kasabay ng pagkindat sa amin. Halos magkagulo ang lahat ng fans dahil tulad ni Jake ay isa siya sa pinaka guwapo sa kanilang lima. "Hala hihimatayin yata ako bes!" eksaheradang ani Venice habang niyuyugyog pa ako. Inis ko naman siyang tinapik sa braso dahil sa kinikilos niya. "Subukan mong himatayin diyan at iiwan talaga kita." sabi ko at umayos ng tayo samantalang nginusuan naman niya ako. Lalong lumakas ang tilian ng si Lucas na ang may hawak ng mikropono.  Siguro kung hindi lang kami nagkita kanina at hindi ko nalaman kung gaano kapangit ang pag-uugali niya, malaman sa malaman ay isa din ako sa tumitili ngayon para sa kaniya. "Hi ilaw! Im the heavenly voice of TALA. Kumain na ba kayo?" aniya at itinutok pa ss crowd ang mic. Sabay-sabay naman sumagot ang audience ng 'Hindi pa' na siyang tinawanan lang niya. Napailing nalang ako dahil sa galing niyang magpanggap. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD