Agatha
“HINDI naman po kami dapat gagawa ng gulo sa library, pero inahas kasi ng babaeng iyan ang boyfriend ko! Nakipaghiwalay sa ‘kin ang nobyo ko kaya siya po ang nauna!” katwiran ni Janice.
Kanina pa halatang naiinis sa akin ang dati kong kaibigan. Sinakop ko ang silya sa tapat ng malapad na mesa ng dean. Sa kabilang panig ko naman naroon nakaupo ang magkaibigang sina Janice at Marissa.
“Saka, Dean, kung ano-ano ang kinakalat ng babaeng iyan sa school. Pinsan niya mismo ang nagsabi sa ‘min na kung sino-sino ang inuuwi niyang lalaki sa bahay nila. ‘Tapos binabaliktad niya ang sitwasyon at ipinagkakalat na kami itong nanlalandi ng kung sinong mga lalaki rito sa school!” depensa naman ni Marissa.
“Gaano kasama ang ugali niya ‘di ba?” Humalukipkip si Janice at saka ako inirapan.
Napangiwi ang dean ng school sa mga narinig at saka ako binalingan. “What would you say about this, Miss Serrano? May katotohanan ba ang lahat ng iyon?”
“Everyone in the library saw what had happened. Nag-aaral po ako roon para sa exam at sa projects. S-sa nobyo niya—magkakilala lang po kami at nagkataon lang na nagkasabay kami kanina sa canteen, pero hindi po kami nag-usap. Wala rin po akong personal na koneksiyon sa kanya,” paliwanag ko.
“Sinungaling ka! Dean, ganyan po ang ugali ng babaeng ‘yan kaya namin siya nilayuan ni Marissa!”
“Girls, stop! I’m here to settle whatever your problem is… Miss Serrano, may katotohanan ba ang ibinibintang nila sa ‘yo?”
Hindi na ako makapagkomento. Ayaw ko nang dagdagan pa ang hidwaan namin ng dalawang babae. Masyadong bulag ang mga ito at naniniwala kay Nadine. Natatakot akong magsalita dahil baka lalo lang din akong pag-initan ng dalawa kung sakali na pahahabain ko pa ang usapan.
“I see…” Inilapat ng dean ang likuran niya sa malambot na swivel chair bago nagpatuloy, “Miss Singson and Miss Lopez, gumawa pa rin kayo ng gulo sa library kaya naman bibigyan ko kayo ng warning.”
“Bakit kami? What about Agatha? Hindi naman kami gagawa ng gulo kung hindi rin naman dahil sa kanya!” reklamo ni Marissa.
“Stop it, Miss Singson! Gusto mo bang dagdagan ko ang parusa n’yong dalawa?”
Doon siya natahimik, ngunit tila patalim ang mga mata na ipinukol sa akin.
“About you, Miss Serrano.” Muli akong binalingan ng dean. “You are forbidden to stay at the library for two weeks. Mas maganda rin na layuan n’yo ang bawat isa. This is my first warning to the three of you!”
Sa ganoon natapos ang usapan namin ng dalawa pang babae. Pinalabas kami ng opisina ng dean. Bahagya akong nalungkot. Hindi ko alam kung saan ako mag-aaral kung ganitong pinagbawalan ako na manatili sa library. Doon lang kasi ako nagkakaroon ng peace of mind.
Sa bahay kasi ay madalas kong maisip ang aking ama. Ilang buwan nang hindi tumatawag sa akin si dad at nag-aalala na ako. Nais ko sana siyang puntahan sa Maynila, ngunit natatakot akong umalis ng probinsiya. Sabi ni Riggs sa akin ay marami raw snatcher sa Maynila, holdaper at manloloko. Natatakot ako na maging biktima ng kahit na isa sa mga iyon.
“Agatha!” pukaw sa akin ni Janice. Binalingan ko ang dalawang babae na hindi pa pala nakalalayo at talagang hinintay ako ilang silid mula sa opisina ng dean. “Hindi ako natatakot na mabigyan ng ikalawang warning, pero binabalaan kita sa pag-ahas mo sa akin na akitin si Marcus! Nagsisisi talaga ako kung bakit kami sumasama sa ‘yo dati!”
“Tama si Janice! Maybe we are using you for your money! Natutuwa kami na nareregaluhan mo kami noon ng magagandang gamit. Ngunit sino ba ang nagsabi sa ‘yo na bilhan mo kami ng kung ano-ano? Pinamumukha mo sa ‘min na wala kaming pera na pambili! Hindi namin kasalanan kung bakit na-boring kami na samahan ka at maging wallet ang tingin namin sa ‘yo! Ikaw din naman ang may kagagawan no’n!” asik ni Marissa.
“I hate you, Agatha! I just really hate you!”
Inirapan na ako ng dalawang babae. Pinagmasdan ko na lang ang papalayo nilang likuran. Siguro nga ay may kasalanan ako dahil ibinigay ko ang kahit na anong hiniling nila sa akin noon.
Magkakasama kami bago magtapos ng high school. Nag-iisa ako noon nang pansinin ako ni Janice dahil wala akong masyadong kaibigan. Pakiramdam ko noon ay espesyal ako dahil palagi akong inaaya ng dalawang babae sa tuwing may lakad sila o kaya ay maglalakwatsa. Naisipan kong bigyan ng kung ano-ano ang mga ito. Dahil nakikita ko ang tuwa sa kanilang dalawa, ipinagpatuloy ko ang mga iyon.
Sa tuwing oras ng bayaran kung sakaling kakain kami o manonood ng sine ay ako ang kusang nagbabayad. Money isn’t a big deal for me. I have enough allowance. Hindi ko naman akalain na magiging walking wallet ako sa kanila.
Isang araw, nagsama pa si Marissa at Janice ng tatlo pang kaklase nila sa Engineering course. Doon nagulo ang buhay naming tatlo dahil hindi napigilan ng mga ito na magsalita nang hindi maganda sa akin at pintasan ako. Kung ano-anong pangit na salita ang lumabas sa kanilang bibig habang naroon ako sa ladies’ room ng isang kapehan na madalas naming tambayan.
Sinabi nila na masarap lang akong kasama dahil sa mga libreng nakukuha nila sa akin. Bahagya ko lang iyong narinig, at nasaktan ako. Ipinagtanggol ako ni Riggs na hindi natakot na mawalan ng trabaho nang marinig niya ang usapan ng limang babae at pinagtatawanan ako.
“Pinag-uusapan ka nila habang nakatalikod ka! Ilang beses ko nang narinig na pinipintasan ka nila! Hindi na sila nahiya na sabihin na malaki ang ilong mo, malandi ang mukha mo, at kung ano pa. Hindi kaibigan ang turing nila sa ‘yo! Kung pinipintasan ka nila habang sinasamahan ka nila, ano ang ibig nilang sabihin do’n?” iyon ang sinabi sa akin ni Riggs matapos akong iwan ng limang babae sa kapehan.
Nang mga sumunod na araw ay hindi ko na nakasama pa si Jessica at Marissa. Mula rin noon ay mag-isa na lang ako sa kapehan kung saan ako nag-aaral. Naging hudyat naman iyon para mapalapit ang loob ko kay Riggs Montenegro, isang undergrand na lalaki na beinte-dos anyos na server sa kapehan. Nang mapalagay na ako sa kanya ay niligawan niya ako.
Noon naman mas lumayo naman ang loob ko kay Marissa at Janice dahil sinisindihan ng pinsan kong si Nadine ang kung anong problema namin.
Mas nagalit ang dalawang babae nang ipagkalat ni Janice na aso ang tingin ko sa kanila na nag-e-enjoy sa mga libre at bigay ko kahit pa nga wala naman akong nasabi o kahit inisip na ganoon. Sa huli, nakinig na lang ako kay Riggs na nangangatwiran lang ang dalawang babae sa mga inaakto nila sa akin. Siguro nga ay nais lang nilang bigyan ang dahilan ang hiya na naramdaman nila para sa akin. Ngunit sa nangyayari sa ngayon, tila nawawalan na sila ng respeto sa akin. Galit sila.
“Hindi sila kaibigan. Manggagamit ang mga iyon,” naalala kong wika ni Riggs.
Kinuha ko ang cellphone mula sa bag para tawagan ang aking ama. Wala pa rin sumasagot sa kabilang linya.
MULING nagbalik ang isip ko sa kasalukuyan habang nakatitig sa kisame ng silid. Doon nagsimula ang kalbaryo ko dalawang taon ang nakaraan. Kasama sila sa mga taong tinaniman ko ng sama ng loob. Then, Riggs…
Umismid ako habang inuukit ang kanyang pangalan sa aking isipan. Magkikikita rin kaming dalawa at sisiguruhin ko na pagsisisihan niya na nakilala niya ako.
***
LUMIPAS ang mga linggo. Mas lumalalim ang admirasyon ko sa katawan ni Tibor. Hindi naipagkait ng isang simpleng sugat and dahilan para hindi ako humanga sa kanyang katawan.
Madalas na kung saan siya naroon ay naroon din ako. Hawak ang isang libro ay sinisilip ko siya na naroon lang din sa kanyang laptop at may tinatrabaho. Kapag titingin siya sa akin ay magpapanggap ako na ililipat ang pahina nito. Alam ko na nababaliw na ako. Ngunit gusto ko ang presensiya ni Tibor. Pakiramdam ko ay ligtas ako kapag nariyan siya kahit pa nga alam ko na mas malakas ako sa kasalukuyan kaysa sa kanya.
Isang hapon, tinutulungan ko siyang linisin ang kanyang katawan. There was a colorful tattoo on his back—a phoenix with enormous wings, with a boy under his claw. I gently caressed every line of the artwork. Tibor grunted.
“I’m sorry.”
“You like what you’re seeing?” he said in a husky tone.
“I’m fascinated,” I said. Mabilis kong kinuskos ang kanyang likuran. Sinunod ko ang kanyang malalaking braso. Tibor is a god! I mean, I have never seen a man like him before. Strong, big and muscled.
“I know you are watching me. You are always pretending to read a book.”
Napahinto ang kamay ko dahil sa kanyang sinabi. Bakit kailangan na maging prangka niya kahit sa bagay na iyon? Hindi ko maiwasan na pamulahan ng mukha. Para akong daga na nahuli ng pusa. His eyes were calm, staring at me intently.
“I’m reading a book. Kung mapatingin man ako sa gawi mo, nag-aalala lang ako. Pasyente pa rin kita kahit papaano.”
“Nasa gitna ka na ng binabasa mong libro base sa puna ko. Ano ang pangalan ng bidang babae sa binabasa mong nobela kanina?”
Sht! Ano nga ba ang pangalan niyon? Ginny? Prin? Lauren? Sht! Siguradong hindi maniniwala sa akin si Tibor kung sakali na sasabihin kong nakalimutan ko dahil imposible ang bagay na iyon lalo na at siya na nga ang nagsabi, kalahati na ang nabasa ko.
Napalunok ako. Naisip kong magsinungaling o magdahilan.
“You don’t need to answer. But I am warning you, Agatha. Hangga’t maaari, lumayo ka sa ‘kin. I understand your fascination, you didn’t see men in two years. Posibleng ibinigay ko sa ‘yo ang mga bagay na kailangan mo ngayon kaya mo siguro naiisip ang mga bagay na iyon. Huwag mong hayaan ang isang tulad ko na maging dahilan para maging mahina ka. Protektahan mo ang sarili mo laban sa ‘kin.”
“I told you I am just fascinated by your tattoo!”
“Iyon lang ba talaga ang dahilan? Ngayon pa lang ay babalaan na kita, Agatha. Hindi ako mabuting tao tulad ng nasa isip mo. Lumayo ka sa akin hangga’t maaari,” aniya sa tonong nag-uutos at may halong pananakot.
Kahit naguguluhan ay wala sa sariling tumango ako. He was right afterall!