CHAPTER ONE

3318 Words
MATAMAN na nakatingin mula sa labas ng bintana ng taxi si Venice. Kasalukuyan silang lulan ni Casven, anak niya. Isang parent meeting ang dinaluhan niya sa Magsaysay Batangas School. Kung saan nag-aaral ang anak niya. Sa isang private school pumapasok si Casven, pawang may kaya lamang sa Bayan nila ang nakaka-afford makapag-aral doon. Ngunit, dahil likas na matalino at maganda ang grades ng nag-iisang anak ay natanggap ito bilang isa sa scholar roon. Kahit full time sa pinapasukan na trabaho ay pinapayagan naman ng management sa BSR o "Buencamino Seafood Restaurant" si Venice na pag-aari lang naman ng napangasawa ng Tita niya na si Reyya. Limang taon na rin mahigit na nagtratrabaho siya roon, kaya kahit paano ay napagbibigyan siya agad na maghalf day kapag may ganitong ocassion sa eskwelahan ng anak niya. Lalo at kada-taon ay nasa honor list si Casven. Kahit paano ay nabibigyan naman niya ng suporta ang nag-iisang anak. Lalo't iniwan na siya ng ama nito na si Lucas. Sa pagkaalala rito'y biglang umusbong ang munting hinanakit sa dating karelasyon. Hindi na nga ito good provider ay halos araw-araw naman itong nag-iinom ng alak. Maging ang pambabae at pagsusugal ay ginagawa nito. Napapabuntong-hininga na lamang si Venice sa tuwing maalala niya ang mapait na karanasan dati sa ama ng anak niya. Mabuti kahit paano ay nariyan si Casven na nagbibigay ng sigla sa araw-araw niya. Kahit paano ay may naging tama sa naging pagsasama nila ni Lucas at iyon ay ang anak nila. Muling ibinaling ni Venice ang pansin sa labas ng bintana. Mula sa hindi kalayuan ay kitang-kita niya ang pag-ibis sa asul na Chevrolet Camaro ng isang binatilyong sa tantiya niya ay kaedad lamang ni Casven. Sa pagtapat ng taxi sa direksyon na kinalulunaan nila kung saan naroon ang binatilyong may hawak palang baseball bat. Napatakip pa sa bibig si Venice ng marahas na hinataw ng binatilyo ang bahay na sadiya nito. Nagkandabasag-basag ang salamin ng binatana niyon, dahil sa lakas ng hataw nito. Habang papalayo sila ay napagmasdan pa niya ang pag-awat ng isa pang binatilyo sa lalaking hindi pa rin tumitigil. Mabigat na nag-iiyak at tila nagmamakawa ito. Nahinuha ni Venice na magkaklase ang mga ito. Dahil magkapareho ang uniporme ng dalawang binatilyo. "What's wrong mom?"maya-maya'y tanong ni Casven sa ina. "W-wala anak."Ngumiti ng pilit si Venice ayaw niyang makita pa ng anak ang ganoong hindi magandang senaryo. Naipilig niya ang ulo nang mapansin niya ang uniporme ng adelentehadong binatilyo kanina ay kapares din ng suot ni Casven. Lihim siyang napausal ng dasal sa isip na sana hindi nakakasalumuha ng anak niya ang ganoong klaseng estudyante. Takot siyang mahawa ang anak sa ugaling mayroon sa binatilyong nakita niya. KARARATING lamang galing sa pakikipag-basag ulo ni Kenjie sa mga sandaling iyon. Galak na galak siya ng wala man lang nagawa si Dondee ng pinagbabasag niya ang bintana sa bahay ng mga ito gamit niya ang baseball bat, kaklase niya ito. Nang dumating ang mga magulang nito at agad siyang nakilala ay hindi man lang siya pinagalitan. Sa Bayan nila isa ang pamilya nila sa pinakamayaman at makapangyarihan, marinig pa lang ang apelyido ng pamilyang kinabibilangan ay nangingilag na ang karamihan. Lalo na siya, si Kenjie Ryu Buencamino na halos lahat yata ng gulo mula sa pinapasukan eskwelahan maging sa iba't ibang panig ng lugar nila ay parating kasama ang pangalan niya. Dire-diretso siya sa pagpanhik sa matarik na hagdan ng kanilang mansyon sa Forbes Blrvd. Hindi man lang nag-atubili si Kenjie na pansinin si Don Kristoff at ang step mother niya na si Reyya na halatang naghihintay sa pag-uwi niya. "Saan ka sa tingin mo pupunta Ryu?"isang malagom na tinig mula sa ama ang naringgan ni Kenjie. Kahit wala sa mood ay hinayaan niya ang ama na dumaldal. Agad siyang tumalima upang harapin si Don Kristoff Buencamino. Babaliwalain na sana na niya ang ano man pag-uusapan nila. Ngunit sa hilatsa palang ng mukha ng Ama'y kinakailangan niyang pagbigyan ito sa ngayon. Pagkaupong-pagkaupo pa lamang ni Kenjie sa maranghiyang sofa ay rumatsada na ang matalim nitong pananalita. Wala naman nagawa si Kenjie kun'di manatiling nakikinig—kahit ang totoo'y labas-masok lang naman ang mga sinasabi ng Don mula sa magkabilaang tainga niya. "Kaya dapat sa'yo pinagtatanda Ryu! Pumapasok ka nga sa eskuwelahan pero halos bagsak naman ang mga grades mo sa lahat ng subjects mo. Paano ka ipapasa ng mga maestra kong hindi ka mag-aaral ng maayos! Saka itong itinawag ni Mayor, mayroon ka naman daw ginulong estudyante at nagbasag ka pa ng bintana sa bahay nila! Kung hindi pa ako mismo ang kumausap at nag-ayos sa problemang ginawa mo ay tiyak na ipapadampot ka na ni Mayor!"nanggigil na litaniya ni Don Kristoff na panay pa ang galaw ng kamay sa harapan ng binatilyo. "Wow bago iyon ah, akala ko ba makapangyarihan ka. Bakit ngayon mukhang pumapalya ka na, pero sige, sana hinayaan mo na lang para tuluyan na akong mawala sa buhay mo." "Aba at bastos ka!"Akmang susugurin ito ni Kristoff pero pasimple siyang hinawakan sa binti ng asawa na nakaupo sa sofa. Saka ito ibinaling ang pansin kay Kenjie. "Iho, Kenjie may problema ka ba? Ano bang kailangan gawin namin ng Daddy mo para umayos ka?"maya-maya'y imik ni Donya Reyya. Tinitigan lamang ito ni Kenjie. Sa totoo lang naiinis siya sa ipinapakitang concern nito sa kanya. Magmula kasi ng namatay ang Mommy niya three years ago ay agad-agad na itong ipinakilala ng Daddy niya bilang pamalit sa Mommy niya. Ilang Buwan din ang lumipas at nalaman na lang niyang nagbabalak na magpakasal ang mga ito. Kahit malaki ang disgusto ni Kenjie kay Donya Reyya para sa Daddy niya ay walang naging silbi ang pagtutol niya. Dahil makalipas ang isang taon ay ikinasal ang dalawa. Isang magarbong kasalan ang naganap na dinaluhan ng mga kilalang tao sa lipunan na ginagalawan nila. Kaya magmula noon ay laging gumagawa ng gulo si Kenjie, sa ganoon paraan ay nailalabas niya sa ibang tao ang galit niya patungkol sa ama. "Kenjie! kapag hindi ka pa magbago ay parurusahan na kita!"patuloy pa rin ni Kristoff. "Gawin niyo ang gusto niyo. Pero hinding-hindi niyo ako madidiktahan!"sa wakas ay nasabi ni Kenjie. Napatayo na ito at dali-daling naglakad papanhik sa second floor kung saan naroon ang silid nito. "Ryu! Ryu! bumalik ka ritong bata ka! Napakatigas talaga ng ulo mo!"Habol pa ni Don Kristoff. "Hayaan mo na Dear, actually may naisip na akong magandang solusyon para tumino ang anak mo,"suhestiyon ni Donya Reyya. "Ano iyon?"tanong ni Kristoff. Isang ngiti ang namutawi sa labi ng ginang. Tuluyan nitong isinalaysay ang naturang plano na agad naman sinang-ayunan ng lalaki. MALAKAS na tinapakan ni Kenjie ang preno ng kotse niya kaya upang magbigay ng maingay na huni ng gulong niya iyon. Matalim muna siyang napatitig sa restaurant na pagmama'y ari lang naman ng pamilya nila habang nanatili siyang nakaupo sa driver seat. Isang seaside seafood port restaurant ang sakop ng isa business nila sa National Road Alangilan, Batangas City. Umaabot hanggang sa limang palapag iyon, may sariling rooftop kung saan tanaw ang maputi at pinong buhangin mula sa dalampasigan. Spanish ascent ang naturang desinyo ng Buencamino Seafood Restaurant na dinadarayo pa ng mga parakoniyano sa Bayan nila at ibang karatig pook. Isang kilalang chef na si Menandro Del Rico na nagmula pa sa Italy ang kinuha ng Mommy niya dati upang magtake over sa kusina. Hindi naman maipagkakamaling ang angkin kagalingan nito sa pagluluto. Dahil talagang dinarayo ang restaurant nila ng mga kilala at may kayang tao sa lipunan nila. Muli naalala niya ang isinalubong sa kanya ng mayordomo mula sa mansiyon nila. Hindi aakalain ng binata na isang masamang balita ang sasabihin nito sa kanya. Diumano'y kinakailangan niyang pumasok sa kanilang restaurant ng isang Buwan bilang waiter. Iyon marahil ang naisip na paraan ng mga ito upang mapagtino siya. Pero hindi siya basta-basta susunod. Siya na anak ng may-ari ng isa sa pinakamayaman na business tycoon sa Bansa ay magtatrabaho sa isang restaurant bilang isang waiter? Never in his entire life na maisip niyang pumasok na trabahador lamang sa sarili nilang restaurant. Agad siyang nagpunta sa private office ng Daddy niya sa Maynila kanina. But in his dismay ay nakalipad na ito papuntang States. Lalo siyang nabwesit ng malaman pa niyang isang Buwan itong mawawala. Idagdag pa na lahat ng credit card niya ay ipina hold nito ang line. Nalaman din niya na sinabihan ng Daddy niya na huwag na huwag siyang tutulungan ng mga relatives nila, kaibigan at sino man malalapit sa kanya sa financial na aspeto. In short ang susuwelduhin niya sa restaurant nila ang siyang magiging allowance niya sa buong Buwan na wala ang Dad niya. Higit pa roon ay hindi sumama ang step mom niya. Alam niyang inutusan ito ni Don Kristoff na magmatiyag sa bawat kilos niya. Ganoon kalakas pumapel ang nagmamagaling niyang ina-inahan! Hinding-hindi siya hihingi rito ng tulong, kahit na anong mangyari. Kung akala ng mga ito na mapapasunod siya at susundin niya ang dinidikta ng mga ito, puwes nagkakamali ang mga ito. Malakas na ibinalibag lang naman ni Kenjie ang pinto ng kotse matapos niyang lumabas. Ang ilan sa mga costumer at mga empleyado nila ay napagawi sa kinaroroonan niya. Agad isinuksok ng binatilyo ang dalawang kamay sa loob ng magkabilang bulsa ng pantalon niya. Naglakad na siya papasok. Halos kinilig at nagbulungan ang ilang kadalagahan na naroon. Habang ang mga kabinataan ay matalim na tumitig sa kanya. "Hello! Magandang hapon,"bati sa kanya ng isang malamyos na tinig. Agad napatutok ang pansin ni Kenjie sa mukha ng babaeng sumalubong sa kanya. Nakasuot ito ng cap na may logo na crab. Ang polo naman nito ay may printed na "Buencamino Sea Food Restaurant"na tenernuhan naman ng itim na palda hanggang sa may tuhod. Puting rubber shoes naman ang sapin nito sa paa. Tumataas siya ng 5'8 ft, habang ito ay hanggang dibdib niya lamang. Sa tingin niya'y natural ang pagkamestisahin nito. Hindi siya naimik tuluyan nabura ang kinikimkim niyang pagkainis ng mga sandaling iyon. Titig na titig siya sa magandang pares ng mata nito. Maging ang puti at pantay-pantay na ngipin nito ay nakadagdag ganda sa mala-anghel na mukha ng babae. "I-ikaw ang anak ni Boss Kristoff? Halika sa locker magpalit ka na ng uniform para makapag-umpisa ka na. Siya nga pala ako si Venice Santos, tawagin mo na lang akong Ate V,"tuloy-tuloy na pakilala ni Venice na naglakad na papasok. Dahil sa saglit na natulala si Kenjie ay hindi na nito napansin na naiwan na siya ng babae na patuloy sa paglalakad. Nang lingunin siya nito ay agad ang panlalaki ng mata nito. "Sir! K-Kenjie! ano pa bang itinatayo mo diyan. Halika na! mamaya maraming darating na parokyano!"pag-agaw ng pansin ni Venice sa binatilyo na nagitla pa. First time na nasigawan siya ng hindi naman niya kaano-ano. Pero infairness imbes na magalit siya'y naitikom na lang niya ang bibig. Napayuko na lang si Kenjie at nagmadaling sumunod sa babae, nahihiya ito dahil sa pagkatulala niya. Habang si Venice ay naiiling sa anak ng big Boss nila na siyang pagsisikapin niyang i train ng ilang araw. Makakaya ba niyang pakisamahan ito? Kung nakita niya mismo kung gaano ito kaadelentehado. Dahil ito rin ang binatilyong nakita niyang may hawak ng baseball bat na nambasag ng bintana sa may Bayan at sadiyang bully. Ganoon pa man hindi niya hahayaan umubra ang katigasan ng ulo nito sa kanya. Kahit bali-balitang hindi ito basta-basta sumusunod sa kung sino-sino lang. ILANG minuto na siyang naghihintay sa labas ng locker room. Pero nanatiling sarado at hindi pa binubuksan ni Kenjie ang pinto niyon. Dahil sa pagka-inip ay kinatok na niya iyon. "Kenjie! Anong oras na hindi ka pa ba lalabas?"Inis na pati tono ng boses ni Venice. Agad niyang pinasadaan ang suot-suot na relo. Mag-a-alas sais na. Marami na ang magsidatingan mamaya. Kapag hindi pa niya ito naturuan ay tiyak na siya ang sasabunin ng Branch Manager. Hindi aakalain ni Venice na ganoon katagal magbihis ang mga katulad nitong mayayaman. Hindi niya alam kung maiinis o matatawa. Napatutok ang pansin ni Venice nang sumungaw sa may hamba ng pinto ang ulo ni Kenjie. Halata sa itsura nito ang pagkairita. "Eh, Ate... mukhang maliit itong size ng polo shirt na ipinasuot mo. Pati itong slacks halos ayaw magsara ang zipper,"banas na saad ni Kenjie na magkasalubong na ang makakapal na kilay. "Weeh? Hindi nga, pwedi ba lumabas ka na nga diyan ang dami mo naman arte!"mariin utos ng babae. "Ano ba Ate sinasabihan mo ba akong sinungaling?" "Basta labas na diyan! Sayang oras."Hindi na niya ito pinasagot dahil tuluyan niyang hinawakan ang braso at pilit na pinalalabas mula sa loob si Kenjie. "Hey! Stop it!"nakikiusap ang tinig ng binatilyo. Pero walang pakialam si Venice, patuloy niyang hinila ang kamay ni Kenjie na nanatiling nagmamatigas sa kinaroroonan nito. "Sabing huwag!"naisigaw ni Kenjie. Sa sandaling iyon ay hinatak na ni Kenjie ang kamay na hila-hila ni Venice. Kaya upang mapsubsob ang huli papasok. Halos magulantang ang babae sa ayos nila dahil halos dikit na dikit ang katawan nila ng binatilyo. Mabilis na kumalat ang pamumula sa magkabilang pisngi nito. Lalong nataranta si Venice na nagsasabi ng totoo ang anak ng big Boss niya na si Kenjie na ngayon ay nakataas na ang sulok ng labi at halos sumasayaw sa kasiyahan ang mata nito. Agad ang pagtulak ni Venice palayo kay Kenjie ng bigla niyang maramdaman ang pamumukol ng ibabang parte nito na nakadikit sa may puson niya. "Jusko ko mahabagin! Manyak kang bata ka!"bulyaw ni Venice na agad lumayo sa binatilyo. "I told you, see bitin itong mga ipinasuot mo, nagpupumilit ka pang lumabas ako tignan mo nga halos labas na ang—"kantiyaw pa ni Kenjie. "Tahimik! S-sorry naman, akala ko pinagbibiro mo ako,"mababa na ang boses ni Venice. Napalunok siya ng laway ng ilang beses dahil tila nanuyo ang lalamunan niya sa pagkakadikit nilang iyon ng binatilyo. Ilang taon na rin ang nakaraan ng huling may yumakap sa kanyang lalaki. Agad niyang iwinaksi sa isipan ang muling paggitawan sa isip niya ng mapapait na alaala ukol sa ex live-in partner niya. "Paano 'tu alangan lumabas ako na ganito. Pwedi na lang kasi na iyong suot ko kanina sa pagpunta rito ang gamitin ko,"pagmamaktol ni Kenjie. "Heep! Kenjie hindi nga pwedi di'ba? Kung gusto mong magkasundo tayo at hindi kita sipain dito palabas sa restaurant ay umayos ka!"angil ni Venice na matiim na matiim na ang pagkakatitig sa binatilyo. "Your unbelievable! Anak ako ng may-ari tapos ganyan mo lang ako sinasagot?" "So? Wala akong pakialam sa sasabihin mo. As long na ako ang in charge rito habang nasa ibang Bansa ang Daddy mo. For your info, pamangkin ako ng step mom mo kaya matuto kang makisama." Bigla naman ang pag-iiba ng mood ni Kenjie at agad na napansin iyon ng babae. Hindi na lang niya iyon inusisa. Pero sa sumunod na salitang lumabas sa bibig ng binatilyo'y agad na nasagot nito ang tanong mula sa isipan niya. "Pamangkin ka pala ng nagbabait-baitan kong ina-inahan." At nagulat siya sa tono ni Kenjie. Mukhang hindi okay ang relasyon ng dalawa, gusto pa sanang mag-usisa ni Venice pero pinigilan na niya ang sarili. Wala siyang karapatan na panghimasukan ang personal issue ng binatilyo sa Tita Reyya niya. Ang tanging dapat gawin niya'y turuan at disiplinahin niya ito sa loob ng halos isang Buwan. "Okay, kung ganoon alisin mo na iyang suot mo para matapos na tayo rito. My god the time is running!"hysterical na niyang mando sa binatilyo na nanatili lamang nakatitig sa kanya ng mga sandaling iyon. "Hey! Kenjie! Ano pang hinihintay mo. Alisin mo na iyan!" "Sure ka?"nangingiting pagkukumpirma ni Kenjie. "Oo ba, dali!"Kasabay pa niyon ang pagtaas ng kamay ni Venice sa ere. Bigla naman siyang natigilan at parehas na nanlalaki ang mata ng babae ng tuluyan hubarin nga ni Kenjie ang pang itaas nito. Maski ang suot-suot nitong pang-ibaba ay ibanaba na nito. "Waaah! Bastos!"Tili ni Venice. Mabuti na lang at sarado ang pinto. Kung 'di tiyak maeeskandalo ang makakarinig at makakakita sa kanila. Mabilis niyang tinakpan ng dalawang kamay niya ang mga mata. Pagkatapos ay dali-daling lumabas sa may pinto. Habang si Kenjie ay panay ang iling na may kasamang halakhak. Halos sapo-sapo nito ang tiyan, aliw na aliw siya sa reaksiyon ng babae. Maya-maya'y muling nagbukas iyon. "Sir Buencamino heto po ang polo shirt at slacks na pinapabigay ni Maam Santos. isinuot niyo na raw ho agad iyan at dumiretso na kayo sa function room."Pagkatapos masabi iyon ay dali-dali ng naglakad palabas ang lalaki. Agad naman binuksan ni Kenjie ang plastic niyon. Pinasadaan ng tingin niya iyon. Infairness unang kita pa lamang nila ni Venice sa katawan niya ay mukhang nakabisado na nito ang size niya. Lalo ang ibabang parte ng isusuot niyang uniform. kaso, masikip pa rin ang bandang beywang niyon. Bakat na bakat pa rin ang kalakihan niya roon. Mabuti na lang at hindi niya kailangan mag tuck in. Dali-dali na siyang lumabas at agad hinanap ang function room na dapat niyang mapuntahan. Ngunit sa laki ng restaurant nila ay hindi niya mahagilap iyon. Mabuti na lang at isang matandang babae na empleyado nila ang nagmagandang loob na ituro iyon sa kanya. Nasa bandang likuran pala iyon. "Salamat ho Ale, huwag kayong mag-alala isa-sudgest ko kay Daddy na taasan ang sahod niyo,"wika ni Kenjie na tinapik-tapik pa ang braso nito. Isang pagtango na lang din ang isinukli ng matandang babae sa binatilyo na tila labis nitong ikinagalak ang sinabi ni kenjie. Nakailang liko pa si Kenjie papunta sa second floor ng makita niya mula sa dulo si Venice. Masaya pa itong nakikipaghuntaan sa kapuwa nito empleyado bago pa siya nito mapansin na palapit. Tuluyan napalis ang masiglang aura nito, ngayon napalitan na ng kaseryusuhan. "Antagal mo naman." "Bakit namiss mo na ako agad?"pagbibiro pa ni Kenjie. Ngunit hindi man lang nagreact si Venice. Kitang-kita pa niya ang lantaran pag-irap nito. "Pwedi ba matuto kang rumespito sa mas nakatataas sa'yo. Hangga't nanatili kang nagtratrabaho rito sa restaurant ay hindi pweding ginaganyan mo ko. Be professional Mr. Buencamino." Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito kaya mas minabuti nalang niyang itikom ang bibig. Inumpisahan na siyang i-tour ni Venice sa buong restaurant at ipakilala sa ibang mga makakasama niya sa trabaho. Halos hindi na niya lahat matandaan ang pangalan ng mga iyon. Abala kasi siya sa pagtitig sa magandang mukha nito. "Hindi mo pa maayos na ipinapakilala ang sarili mo Ate. Baka naman maari mo ng gawin." "I'm Venice Santos, thirty years old a bread winner in our family,"pormal na pakilala ni Venice sa binatilyo matapos na mag-alis ng bara sa lalamunan. Napatango-tango lamang si Kenjie nasa mukha nito ang pagtatanong. "Oh, fifteen years pala ang gap natin. Hindi halata, mas mukhang bata ka pa sa edad mo. So single ka ba?"Sa huling salitang nabanggit ay nagningning pa ang mga mata ni Kenjie. "Hindi ko na kailangan sagutin iyan." "Damot nito!"bulong niya. Ngunit nadinig pa rin ng babae iyon. "Sorry, yes I'm single,"tuluyan sagot niya. "Nice,so pwedi akong manligaw saka-sakali?"dire-diretsang pagtatanong ni Kenjie. Napansin niya ang pagbubulungan ng mga kasamahan niya. Hanggang sa marinig nilang nag-alis ng bara sa lalamunan si Venice. "Excuse me! Bumalik na kayo sa mga quarters niyo."Pagdi-dismissed niya. "Hey hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Damn! ayaw kong pinaghihintay ako alam mo ba iyon."patuloy na pangungulit nito sa babae. "Pwedi bang umayos ka. Wala kang karapatan na magtanong-tanong ng kung ano-anong bagay sa akin. Remember magiging magkatrabaho lang tayo ng isang Buwan."Pagkatapos niyon ay dali-dali na siyang iniwan ni Venice matapos ibigay ang mop at timba na siyang gagamitin niya sa paglilinis ng buong floor. "Problema niyon,"himutok niya. "Ikaw kasi sir, huwag mong binibiro-biro si Maam Santos. Man hater kasi iyon, saka huwag ka ng umasa na magpapaligaw iyon sa'yo,"sabi ng isang matabil na babae na nakasabayan niya sa paglabas. "Bakit naman? kasasabi niya lang na single siya diba?" "Yes single ho siya. Single mother." Natigilan si Kenjie at hindi man lang nakapagsalita pagkatapos.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD