C9-I Want

1022 Words
Pumunta nga sa Director's Office sina Alex at Deputy Director. Dali-dali namang pumunta sa kwarto ni Bria sina Niña at Jennie. Meron silang nilagay na gadget sa Office ng Director para makita nila at marinig kung ano ang sasabihin nito. Binuksan nila ang TV at nakita sina Alex at Deputy Director na nakaupo sa upuan habang ang Director ay nakatayo. Sakto lang ang pagbubukas nila ng TV dahil magsisimula palang sa kanyang sasabihin ang Director. "Hindi ko nagustuhan ang nangyari kanina," kalmadong panimula nito. "Anong ginagawa mo, Alex? Wag mong isiping ikaw parin ang mataas! Kaya kung ano mang ugali meron ka noon, baguhin mo! Dahil hindi bagay sayo ang magmataas lalo na dahil isa ka lang Deputy Assistant Special Agent In Charge. Matuto kang lumugar!" Natawa si Alex at umiling. "Then bakit nyo pa ako pinapunta rito kung ayaw nyo naman palang maging ganito ako?" sagot nito. "Haayy grabe na talaga si Alex! Pati si Boss Rando, sinasagot-sagot din nya!" bigkas ni Niña. "Diba naging kaibigan ninyo sya? Ganyan ba sya dati?" tanong ni Jennie. Sabay namang umiling ang dalawa. "Hindi! Pero baka hindi lang talaga namin siya nakilala ng buo. At hindi lang namin nakita ang suplado side nya." Tumango si Bria sa sinabi ni Niña. "Tama ka! Three days lang naman natin siya nakasama kaya hindi natin siya lubos na kilala." "Hindi ganon ang sinasabi ko, Alex! Pinoprotektahan lang kita! At kaya ko ginagawa ang lahat ng ito ay para malaman mo kung paano maging isang tunay na agent! Maliwanag ba?" "Ok! If you said so!" sagot nito. Bumaling ang Director kay Deputy Director, "At ikaw naman, Deputy Director Azrael Montefalco! Kilala mo ba kung sino itong binatang ito?" "Opo, Director! Sya lang naman ang hambog na apo ng dating Deputy Assistant Director na si Elizabeth Mandaue," sagot nito. Tumawa naman ang Director, "Nagkakamali ka---" Bago pa man madugtungan ng Director ang sasabihin nya ay bumaling si Alex sa maliit na ibon na nasa gilid ng mesa. Tiningnan nya ito ng mabuti. Alam nyang kanina pa may nakikinig at nakakakita sa kanila. "The show is over," bigkas nya. Pumupula ang mata nito kaya walang pag-alinlangan nyang pinindot ang red button. Biglang nag block out ang TV ni Bria. "Haayy nakakainis naman itong si Alex oh! Bakit ba kasi nakikialam pa sya!" pagmamaktol ni Niña. "Wala na tayong magagawa, binitin nya tayo!" bigkas naman ni Jennie. Hapon na at nagpapahinga sa kwarto si Bria nang marinig niyang may kumakatok sa dingding sa likod ng kanyang cabinet. Ibig sabihin, galing sa headquarter ang kumakatok. Inikot nya ang vase kaya nahati ang cabinet at pumasok si Alex. "Anong ginagawa mo dito?" tanong nya. "Good afternoon to you, Agent Wixx. Napakaganda ng araw na 'to, hindi ba? Or should I say, kasingganda mo ang araw na 'to!" bati ni Alex. Nakikinita ni Bria na mukhang aasarin lang siya ni Alex kaya tinalikuran niya ito at humiga sa kama. Hindi naman umalis si Alex dahil hindi naman niya ito pinaalis. Inilibot ng binata ang paningin sa buong paligid. "Umalis ka na! Walang maganda sa araw ko!" pagtataboy nito pero ngumiti lang si Alex. "Sayang! Maraming nagsasabi na maganda ka! Naniniwala na sana ako eh! Kaya lang sinabi mong pangit ka!" asar ulit nito. Napabangon naman si Bria sa kama, At paano mo naman nasabing pangit ako?" pasigaw na tanong nito. "Because I said so! Sinabi ko kanina na kasingganda mo ang araw na to pero sinabi mong hindi maganda ang araw mo! At ano ang short term ng hindi maganda? Pangit!" Binato nya ng unan ang binata pero nakailag ito. "Aha, magaling ka na palang umilag ngayon!" "Of course! Baka hindi mo alam, black belter ako!" bigkas ni Alex at kinumpas-kumpas ang kamay nya na parang sanay sa karate. Tumawa naman ng malakas si Bria, "Joker ka talaga kahit kelan! At sa tingin mo, maniniwala ako sa'yo? Eh halos mabali na yang buto mo nong una tayong nagkita eh! Tapos sasabihin mong black belter ka? You're funny, Alex!" Napatigil naman si Alex sa ginagawa at napakamot sa ulo. "H-hindi lang talaga ako pumapatol sa mga babae," nauutal na bigkas nito at hindi na ngayon makatingin kay Bria. "By the way, may ibibigay nga pala ako sayo." Kinuha nya sa bulsa ng short ang limang litrato. "Binigay sa'kin to ni Agent Concepcion kanina. Picture yan ng mga taong palaging sumusunod sa senador. Hindi pa sigurado kung tauhan sila ng mga kalaban pero inaalam na ni Agent Concepcion ngayon!" Isa-isang tiningnan ni Bria ang mga litrato. Huminga siya ng malalim at pina photocopy ang picture. "Mahirap talaga kapag mabait at magaling, kinaiinggitan at gustong patumbahin!" bigkas niya. Tumango naman si Alex, "Yeah! You're right. Pero hindi mo ba naisip na pare-pareho lang ang lahat?" Bumaling sa kanya si Bria matapos iphotocopy ang mga litrato. "What do you mean?" "I mean, kahit nasa mataas kang posisyon, mabait ka man o hindi, may gusto paring magpatumba sa'yo. Kapag naman mahirap ka, mas madali kang mapapabagsak ng mga taong may galit sa'yo, lalo na kung nakatataas sila sa'yo!" paliwanag ng binata. "Bakit parang may pinaghuhugutan ka?" Huminga naman ng malalim si Alex, "Walang sinasanto ang mga taong may galit sa'yo, mataas ka man o hindi, kapag gusto ka nilang pabagsakin, magagawa nila." "Oo na! Tama ka na! Genius mo ha! Ikaw ba talaga si Alex?" tanong ni Bria. Nanlaki naman ang mga mata ni Alex, "B-bakit mo naman natanong yan?" "E kasi ang kilala kong Alex, lampa, pilyo. Pero ngayon, ibang-iba ka na! Parang 'di na kita kayang abutin!" Tumawa naman ang binata, "Baka hindi mo lang talaga ako kilala." Tumayo ito at iniunat ang kamay. "I'm Alex Ortega and I want us to be friends, Agent Wixx!" Tumaas ang kilay ni Bria. "And why would you do that?" Ang akala ni Bria, sasabihin ng binata sa kanya, 'Dahil wala pa akong kaibigan dito...' Pero iba ang narinig nya na nagpabilis ng pagtibok ng puso nya. "Because I want to know you. I want to be part of your life and I want to be always there whenever you needed me. I want to get close to you, Bria!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD