Jake POV Itetext ko sana si Mira upang alamin kung nasa school siya ngayon at yayain siya mag-ikot ikot dahil may Art fest ngayon sa university ng lumapit si Lindsay sa akin. “Jake, samahan mo naman ako sa fest, male-late ng kasi ng konti si Mark.” anito. “May pupuntahan kasi ako ngayon.” mabilis kong tugon. Nang tingnan ko siya ay parang naluluha ang kanyang mga mata. “Kailangan ko lang ng makakausap.” Tatanggihan ko pa sana siya ngunit nang makita ko ang maamo at malungkot niyang mukha na parang nagsusumamo ay wala na akong nagawa kundi ang umoo. May problema na naman siguro ito sa bahay nila. Isinuksok ko sa bulsa ng aking pantalon ang aking cellphone at sinamahan siya. Ilang minuto rin kaming naglakad lakad sa mga booth. “I’m glad na pumayag ka Jake. Ang saya ko ngayon.” na

