Jake POV “Sigurado ka ba na si Mira ang nakita mo?” tanong sa akin ni Lindsay. Nasa labas kami ng mall dahil hinabol ko ang inaakala kong si Mira. “Sigurado akong si Mira yun!” humihingal pa ako dahil tumakbo ako ng tumakbo kanina para habulin siya. Ganun pa rin ang itsura niya. Napakaganda pa rin siya, buhok lang ang ipinagkaiba. Mahaba ang buhok ni Mira nung college kami samantalang ngayon ay hanggang kili-kili na lamang ang haba nito. I’ve always imagined this moment of reuniting with her, yayakapin ko siya ng mahigpit at hinding hindi ko na siya pakakawalan ngunit nang makita ko siya ay hindi agad ako nakakilos dahil hindi ako makapaniwala na nasa harap ko na siya na parang isang panagainip. Para akong napako sa aking kinauupuan at sobrang lakas ng kabog ng aking dibdib. Miss

