Mira POV Nawala ang aking pangamba kahit nalaman na ni Jake ang totoo. Although galit ako kay Jake ay hindi ko naman gusto na mabugbog ito sa harapan ko. Ganunpaman ay napanatag ang aking loob nang masaksihan ko kung paano nagalit si lola kay Jake na mukhang malaki ang takot dito. Nakakasiguro ako na hindi kukunsintihin ni lola kung may balak man si Jake na hindi maganda. Ngayong magkakasama na kami sa iisang bubong ay nakakaramdam ako ng pagkailangang. Hindi naman ako papayagan ni lola Cecilia na umalis hanggat wala pa akong nakikitang matinong matitirahan lalo na ngayon at nalaman niyang tunay niyang apo si Jacob. Paano kung isang araw ay iuwi na lang ni Jake dito sina Lindsay at anak nila? Hind lang naman sarili ko ang iniisip ko kundi kung ano ang mararamdaman ni Jacob at kung paano

