Mira POV “Nanay…” malawak ang ngiti ni Jacob ng makita niya ako. “Ano Mira, ang ganda diba?” nang-uuyam na tanong ni lola Cecilia. Natawa naman ako sa sinabi ni lola. “Mas maganda pa po kesa sa girlfriend niya.” sarkastiko kong tugon. Tumingin naman sa akin si Jake na naniningkit ang mga mata. “Ikaw lang ang naging girlfriend ko.” mariing sabi nito. Labas sa ilong na napatawa at napailing ako. “Jacob, akyat muna si nanay sa kwarto ha.” wika ko ngunit abala ito sa kanyang ama kaya tumalikod na lang ako.. “Tito JR, girlfriend mo po si nanay?” narinig kong sinabi ni Jacob. Bigla akong pumihit pabalik dahil sa narinig upang balaan si Jake na wag magsasalita. “Oo. Si nanay mo yung sinasabi kong pinakamaganda sa lahat.” anito. Pinandilatan ko ng mata si Jake. Baka maguluhan si Jac

