Mira POV “Mag hilamos ka muna.” anito sa akin. Saka ko pa lang naalala kung anong itsura ko, kaya patakbo akong umakyat sa silid. Napailing na lang ako ng makita ang itsura ko sa salamin. Para akong clown na hindi marunong mag-apply nang make-up. Tuwing magkikita na lang kami ay palagi na lang ako mukhang tanga. Hindi ko tuloy maintindihan kung alin ang uunahin ko kanina, ang itago ang mukha ko o ang itago ang anak ko. Nandun naman si lola Cecilia kaya alam kong hindi nito pababayaan si Jacob. Sandali…, apo ni lola si Jake?!?! Oh my God! Pinaglalaruan ba ako ng tadhana? Narito ako ngayon upang takasan si Jake, ngunit sa lahat naman ng lugar ay dito pa talaga kami magkikita. Paano ko pa siya matatakasan. Nilinis ko ang aking mukha at nag-ipon muna ako ng lakas ng loob bago bumalik s

