Jake POV “Wait, what did you say?” tama ba ang narinig ko? “Nagresign po siya kahapon. Akala po kasi niya sisibakin siya sa trabaho kaya, hindi daw po magandang record para sa resume kaya inunahan na niyang magresign.” paliwanag ni Mercy. Napahilamos ako ng aking mukha. Oh God! What on earth did I do?!?! 6 years ko siyang hinanap ngunit unang una kong ginawa ay saktan na naman siya. Masyado akong nagpadala sa aking emosyon kahapon. Sobra akong nasaktan sa nalaman ko, hindi ko na nagawang mag-isip ng tuwid. Kanina pang nakaalis si Ms. Ignacio pero hanggang ngayon ay nakatingin pa rin ako sa record ni Mira. Hindi ako matahimik ngayon sa aking kinauupuan dahil sa balitang bumungad sa akin tungkol kay Mira, naging malupit ako sa kanya kahapon kaya nauwi ito sa pagreresign. “Tatakbo ka n

