Mira POV Pinaliguan ko si Jacob at binihisan ng pantulog. Nag goodnight kiss muna ako sa kanya bago ako nagtungo sa banyo upang magshower. Halos 20 minutos din ako sa shower dahil sarap na sarap ako sa maligamgam na tubig. Hay naku nasasanay na tuloy ako sa ganito. Mahihirapan tuloy ako nito pag bumukod na ako ng bahay kina lola Cecilia. Hindi naman habang buhay ay dito ako titira. Pinatuyo ko muna ang aking katawan. Binalot ko ng maliit ng tuwalya ang aking buhok. Panty lang ang isinuot ko dahil hindi ko pala nabitbit ang aking bra. Naiwan siguro ito sa may kama dahil dun ko ito ipinatong bago ko patulugin si Jacob. Sanay naman si Jacob na makita akong naka panty at bra kapag kaming dalawa lang. Pagbukas ko ng pintuan ay yumuko ako para ayusin ang tuwalya sa buhok ko na medyo lumulu

