Merlyn “Nag-e-enjoy nga ako bumili dahil galante si Bernard, kaya gustong-gusto ko talaga kapag may babaeng ipinag-sha-shopping itong boss ko dahil pati ako mayroon din.” “Kendra, shut up!” suway ni Bernard sa kaniya. Pabiro pinalo siya sa balikat ni Kendra pagkatapos ay mahinang pa ito bumungisngis. Lihim akong naitanong sa isip ko kung ganito ba lahat ng sekretarya at amo? So close. No! Kung ganito makipagusap at makipagbiruan si Kendra. Ibig sabihin lang noon. Hindi lang sekretarya ang relasyon nila ni Bernard. Nagagawa n'yang tumawa kahit na seryoso si Bernad. Hmm interesting huh? “Why? Ayaw mo bang malaman ng asawa ng kapatid mo?” biro niya ulit sa seryosong si Bernard. Napatingin ako kay Bernard o mas tamang sabihin nag-aantay ako ng isasagot nito kay Kendra. Subalit bigo ako dah

