1 - My Husband’s Mistress

1502 Words
“Madam Valenti, baka hindi na po dumating si Sir, ilang oras na po kayong naghihinta—” The woman smiled. Napatingin ito sa floor-to-ceiling glass kung saan kita ang lalawigan ng Makati-Taguig na kumikislap sa dilim. Inabutan na siya ng dilim sa kakahintay ng kanyang asawa para sana i-celebrate ang kanilang ikatatlong anibersaryo ng kasal. She’s been waiting for three hours. Mula alas-singko ng hapon ay narito na siya. Ito kasi ang unang beses na maghahanda ito ng ganitong ka-engrandeng selebrasyon para sa kanilang mag-asawa. But she guessed, she got dumped the moment she watched the news. [Hot News! Mr. Percival Valenti was spotted at the airport picking up Lavelle Jimenez!] [Speculations rise: are they dating?] “How lovely,” mahina niyang bulong habang nakapatong ang kanyang baba sa kanyang palad. Lihim siyang ngumiti, pero malamig ang kanyang mga mata habang pinapanood ang news clip sa cellphone. “Hindi ba nila alam na kasal ang tao?” tanong niya sa sarili, bago mapatawa ng mapait. “Right, our marriage is a secret. Sino nga ba makakaalam na may asawa na ang lalaking iyon?” “Po?” tanong ng lalaking nasa kanyang gilid—ang bodyguard niyang si Madrigal. Nag-angat ng tingin si Yasmin sa lalaki, saka ngumiti. “Nothing, Madrigal. I’ll call him.” She called her husband a few times, but no one’s answering. Sa huli ay tinitigilan na ang pag-tawag sa asawa. She already knows the answer. And that is, “Don’t call me, I’m busy.”—with another woman. That was a slap in her face. “Don’t you think it’s a waste, Madrigal?” basag niyang tanong, pilit na pinapakalma ang sarili. Tahimik na inikot ni Madrigal ang paningin. Wala silang ibang kasama kundi mga staff ng hotel. Yasmin had reserved the entire restaurant at the top of the tallest hotel in Makati. A place where the whole city could be seen, where she dreamed of having a romantic dinner with her husband. Ngayon, ang engrandeng hapunan ay tila ba isang paalala ng kanyang kahibangan—isang babaeng naghihintay sa asawang hindi na babalik. Tumayo siya, kinuha ang mahaba niyang coat, saka dinampot ang bag mula sa upuan. Paglapit niya sa waitress, marahan at elegante siyang nagsalita: “Please cancel the dinner. I’ll pay for the inconvenience. Thank you.” Hindi na niya hinintay ang sagot ng waitress at agad siyang lumakad palayo, Madrigal following close behind. Pagdating nila sa elevator, bigla niyang narinig ang ringtone ng kanyang cellphone. Nang makita ang caller ID, halos mabitawan niya ito—isang tawag mula sa nurse ng pribadong ospital kung saan naka-confine ang kanyang lola. “Miss Zamora, ang lola mo po… Pu-Pumunta kayo agad dito, ngayon na!” Nang marinig ang aligagang boses ng nars lalo na’t patungkol iyon sa kanyang lola ay halos hindi na ito makahinga sa loob ng elevator as if the space suffocates her. Nanginig ang buo niyang katawan at nanghihina ang kanyang mga tuhod. Kung wala lang siya kasama sa loob ay baka tuluyan na itong bumagsak sa papag. “No…” Mabilis siyang nakarating sa ospital at halos takbuhin na rin ang pribadong silid ng kanyang lola nang makitang wala ito roon. “Miss Zamora!” tawag sa kanya ng nars. “Nasaan ang lola ko?” basag ang boses ni Yasmin na napatanong sa nars, nanggigilid ang kanyang luha, nanginginig ang boses. “Nasaan siya? Anong nangyari sa kanya? Maayos pa siya kahapon ah?” “H-hindi ko rin po alam, Miss Zamora. A-Alam mo namang maingat ako sa pag-aalaga sa kanya, pero…” napahinto ito nang may maalala. “Pero may dumalaw po kanina. Si Miss Jimenez po.” Napakunot ang noo nito. “Miss Jimenez?” “Opo… Si Miss Laville Jimenez po.” Nanlamig ang buong katawan niya. Wala namang relasyon ni Laville Jimenez sa lola niya. Bakit ito napapunta rito? “A-Anong nangyari?” kinakabahan niyang tanon. “Hindi ko po gaanong narinig,” aniya. “Pero narinig kong parang binanggit niya ang tungkol sa kasal…” Balisang-balisa ang nars na nilalaro ang kanyang mga kamay. “Medyo nagtalo sila. Pag-alis ni Miss Jimenez, at nang bumablik ako, nasa sahig na ang lola mo…” Parang piniga ang puso ni Yasmin. Lahat ng sakit na tinatago niya sa kanyang lola ang hindi pagbanggit ang tungkol sa relasyong meron ang kanyang asawa at kay Laville Jimenez—she kept it all from her afraid that it might cause emotional damage on her grandma. Pero hindi niya inaasahan na mangyayari ito. Ilang sandali lang ay hinarap sila ng doctor, pagod na pagod ang mukha at may bigat sa boses. “Acute cerebral congestion. Likely triggered by emotional trauma. I’m sorry… My condolences.” Tuluyang napabagsak si Yasmin sa malamig na semento ng ospital, ngunit walang luhang pumatak mula sa kanyang mga mata. “Condelences?” wika nito sa basag na tinig. “Does that mean my lola is dead?” Wala siyang narinig na kahit anong sagot. Buong lakas siyang tumayo at nilapitan ang kanyang lola, hinawakan ang kamay at hinaplos ang buhok nito. “I’m sorry,” wika ng doctor. “We tried everything we could.” Ngunit tila walang narinig si Yasmin at inaalala ang masasayang araw na magkasama silang dalawa—ang mainit na lugaw na pinagsasaluhan nila, ang mga tinatahing damit, ang mga maiinit na haplos ngayon ay tila punyal na bumabaon sa dibdib niya. “Lola, please wake up… I’m still here… Paano na ako?” Inaalog niya ang kanyang lola, nagbabakasakaling magising ito nang marinig niya ang pamilyar na boses. “Yasmin…” Dahan-dahan na tumingala si Yasmin. Nanlalabo man ang mga mata dahil sa namumuong luha ay namukhaan niya ang lalaki. Isang matangkad na lalaki, matipuno at gwapo. Kilalang-kilala niya ang lalaking ito. Ang lalaking pinili niyang mahalin, pero may kasamang ibang babae habang siya’y nawalan ng minamahal. What could’ve been worse than that? “Perci…” tawag niya, basag ang kanyang boses. “Lola’s gone…” Lumapit si Percival sa kanya, bahagyang yumuko. “If your lola were still here, she wouldn’t want to see you like this.” TINULUNGAN siya ni Percival sa pag-asikaso ng burol ng kanyang lola, habang si Yasmin ay wala sa sariling nakasuksok sa gilid at pinagmamasdan ang larawan ng kanyang lola na nakangiti. She wanted to see more of her smile, but how? When she was already gone. Habang wala sa sarili si Yasmin ay may bisitang hindi niya inaasahang darating. Laville Jimenez walked in with her elegant black dress. Iyon ang kauna-unahang nakita ni Yasmin si Laville sa personal. At ayaw man niyang aminin, that woman is more beautiful in person than on television, than her. Lumapit ito kay Yasmin saka nagsalita na may halong lambing. “Miss Zamora, please accept my condolences.” Napatawa bigla si Yasmin, puno ng panunuya ang mga tawang bumalot sa buong silid, bago ito napatigil at tinignan ang babae ng puno ng lamig. “The nurse said you visited my lola before she passed. Why?” Napakunot-noo si Laville. “What do you mean? “I want to know what you said to her.” Nagkunwaring nasasaktan si Laville. “I just asked my overseas friend, a specialist, to talk to your grandma. I only wanted to help.” “Help?” mapait na napatawa si Yasmin. “The very day you came, she collapsed. Tell me, Miss Jimenez… wasn’t it your intention to hurt her?” “Enough.” Pumagitna si Percival sa kanila, pinipigilan si Yasmin sa pagsasalita ngunit hindi nagpaawat si Yasmin. “Isa pa, you don’t know my Lola, why would you visit her? Doesn’t that sound suspicious?” “I was the one who asked her to go.” Singit ni Percival. “Laville’s friend is a top surgeon abroad. Kung may sisihin ka, ako iyon.” Napaismid si Yasmin. Napakuyom ito ng kamay, nanginignig ang labi. “Blame? Maybe I should blame you, Perci. You should’ve asked me first. Bakit ka pumunta ng ospital ng hindi ako sinasabihan?” “Yassy, you’re exhausted,” malamig na wika ni Percival, hindi pinansin ang mga tanong ng asawa. “Go and take a rest. Ako na ang bahala dito.” She shook her head. “No need.” Mapait na ngumiti si Laville. “Miss Yasmin, if you think I killed your grandmother, then go to the police. Let them investigate.” Yasmin already did that. Walang ebidensya. Conveniently damaged ang CCTV. At mas pinili pa ng pulis na kampihan si Laville Jimenez kaysa sa kanya. Lalo niyang ikinuyom ang kanyang kamao. “Laville Jimenez, remember this. God is watching, and one day, you’ll pay for this—I will make you pay for this.” “Yasmin!” pigil na pagsigaw ni Percival. “Watch your words.” “Isipin niyo na lang na walang kwenta ang mga pinagsasabi ko,” Yasmin smiled bitterly. “...But I will never stop finding justice for her. I will find evidence.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD