Ayokong aminin pero mukhang nagbago siya ng makita niya ko! Kung sigawan pa niya tayo ng una tapos yun pala..binigyan pa niya ko ng pangalan..Rosede,princess! Napangisi si Prinsesa Rosede sa sinabi ng wolf niya habang pinapanuod ang binata na inaalalayan ng dalawang therapist na siyang kinuha niya para alalayan si Vincent sa unang proseso nito bago ito isalang sa operasyon. Kailangan pa ba niya yun? Yung gamot na binigay ni Adeline? Hindi sigurado ang prinsesa kung paano niya iyun ipapainom at ipapaalam sa binata. Hindi ito madali maniwala sa lahat ng bagay. Pero..hindi siya natakot sakin! Napabuga ng hangin ang prinsesa at napukaw ng muntikan na mabuwal ang binata na agad naman naalalayan ng lalaking therapist. Kita niya ang pagdilim ng anyo ng binata. Alam niyang hindi nito nagust

