Panay ang nakaw tingin ni Vincent sa kinaroroonan ni Dra.Graciano habang kausap nito ang Tita Lynda niya sa may Hardin. Nasa may balkonahe siya at doon kaharap niya ang laptop. Agad na tumikhim siya at binalik ang tingin sa harap ng laptop niya ng biglang napatingin sa kanya ang dalagang doktora. Tsk,what's wrong with you,Vincent?! Nagsalubong ang mga kilay niya dahil hindi na niya maintindihan ang binabasa sa screen ng laptop niya. Ipinilig niya ang ulo. He can't stop himself to stared at her. Nang hindi na siya makapokus marahas na napabuga siya ng hangin at sinara ang laptop. Hindi siya makapokus dahil may distraction sa paligid niya! Nagpapadistract ka naman?! Napahilamos siya sa kanyang mukha. "Ayos ka lang ba?"untag ng boses na iyun sa kanya. Napaigtad siya sa kabiglaan at

