Chapter- 2

1713 Words
Agad na umibabaw sa hubad niyang katawan ang pinaka leader. Pinipilit niyang manlaban pero wala siyang magawa sa lakas ng mga lalaki. Halos mapaos na ang boses niya sa kakasigaw lalo pa nang pinilit ibuka ang magkabila niyang hita. "Huwag! Pakiusap maawa po kayo!" Kung ilang ulit niyang isinigaw ang salitang pagmamakaawa ngunit balewa sa mga ito. Naramdaman na lang niya ang isang bagay na tumama sa kaniyang sikmura. At bago pa siya nawalan ng malay ay natawag pa niya ang pangalan ng binata. Ang dahilan kung bakit nandoon siya sa lugar na iyon. Ang pangalan nito ang huli niyang naisigaw bago tuluyang nagdilim ang lahat sa kaniya. Samantala ay hindi agad nakababa ng speed boat si Delta at ang kasama niyang isang staff dahil sa sobrang lakas ng ulan. "Mauna ka na at ako na ang bahala dito sa boat," utos niya sa lalaki. "Sigurado ka po ba, boss?" naninigurado pa ito. "Yeah, go!" pagtataboy pang muli niya rito. At nang maitali ni Delta ang speedboat ay mabilis ang hakbang niyang nilisan ang lugar. May kalayuan ang lalakarin niya dahil malayo ang binabaan nila. Doon lang sila maaaring dumaong dahil low tide sa tapat ng resorts. Napatigil siya nang may marinig na sigaw kaya't nakiramdam siya sa paligid. Subalit hindi na maulit pang muli, kaya ipinagpatuloy ang paglalakad. "Huwag! Pakiusap maawa po kayo!" Mas malakas na ang sigaw na iyon at hindi siya pwedeng magkamali, boses iyon ng isang babae. Ilang dipa lang ang layo niya sa kinaringgan ng sigaw. Nang biglang kumidlat at nasinagan nang liwanag ang mga kalalakihan na may pinag kumpulan. "F*ck!" Muli pang kumidlat kaya't tuluyan niyang naaninag ang babaeng nakahubad habang pinag-aagawan ng ilang lalaki. Wala siyang sinayang na sandali at agad niyang tinakbo ang mga ito. Lumipad ang sipa at suntok sa apat na kalalakihan at dahil hindi ng mga ito inaasahan ang pagdating niya ay hindi nakapaghanda. Minsan pang kumidlat at biglang nagtatakbuhan ang mga ito. Gusto pa sana niyang habulin, ngunit kailangan niyang unahin ang babae. "Sh!t!" Napamura siya dahil sa nakitang itsura nito. Mabilis niyang hinubad ang suot na jacket. Binalot niya ang hubad na katawan ng babaeng wala pa ring malay. Agad niyang binuhat at halos takbuhin niya ang distansya, makarating lang agad sa resorts. Kailangang malapatan ito ng first aid, dahil wala pa ring senyales na magigising ito . may pagtataka naman sa kaniya ang mga mata ng ibang staff na nakaduty sa oras na iyon. Dahil almost ten in the evening na at marahil ay nagtataka kung sino ang babaeng karga niya. Dinala niya ang babae sa kaniyang kwarto at maingat na ibinaba sa malaking kama. Natigilan siya nang mamasdan ang mukha ng babae. “Oh, God! She is the woman earlier, f*ck!” Paninisi niya sa kaniyang sarili, dahil kung tinanggap niya ito kanina ay wala ito sa ganoong sitwasyon. Hindi sana nito sinapit ang ganoong karahasan. Nakonsensya tuloy siya dahil sa kawalang-puso niya. Hindi naman siya gano’n dati pero dahil sa panloloko ng babaeng unang minahal niya ay galit siya sa mga babae. Hindi maiwasan ni Delta na tapunan ng tingin ang kabuuan nito. Ang katawan na puno ng buhangin at ang pribadong parte na nakalatag sa kaniyang paningin. Labis na nakapagbigay ng kakaibang init sa kaniyang pakiramdam. Nais tuloy niyang batokan ang sarili dahil nasa ganoong sitwasyon na ang babae ay nagagawa pa niyang pagnasaan. Ngunit hindi niya maiwasan na mapatingin sa mahahaba nitong hita. Hindi naman siya dating madaling naapektuhan ng babaeng hubad. Sanay na siyang nakakakita ng ganoon. Subalit ang babaeng nakahiga sa malambot niyang higaan ay pinag iinit nito ang kaniyang pakiramdam. Kaya ang ginawa niya ay nagmamadaling lumabas at saka may tinawagan. "Pumunta ka rito sa kwarto ko at magdala ka ng maaaring maisuot ng isang babae.” Tinawagan din niya ang isang staff. "Go to the beach. Doon sa may mga batohan at hanapin ninyo ang luggage niya. Pagkatapos ay iakyat nyo dito." “Yes, Boss.” Binuhat ni Delta ang babae at dinala sa loob ng bathroom. Nilubog niya ang katawan nito sa warm water at nilagyan ng shower gel. May pag mamadali ang kilos niya at nang halos patapos na siyang linisin ang katawan nito ay bigla namang nagkamalay. Nag hysterical ito na may kasamang pag wawala. "Please, maawa po kayo, huwag! Huwag po!" malakas na sigaw nito. Bigla na lang nakaramdam siya ng awa sa dalaga kaya mahigpit na niyakap ito. "Shhh, you're safe now." He hugged her. He wants to let her know that she's safe from those people who want to take advantage of her. Nakaramdam si Cassy ng kapanatagan sa boses na iyon at agad siyang yumakap sa kaniyang savior. "Please help me." Napahagulhol siya nang iyak. Automatically, tumaas ang palad ni Delta, para haplusin ang buhok nito. Woman hater siya ngunit hindi pa naman siya ganoon kasamang tao upang basta ito pabayaan. "Shhh, don't cry." Unang beses niya iyong ginawa maliban sa babaeng minahal niya ng lubusan na ngayon ay pag-aari ng iba. Nang kumalma ang babae ay dahan-dahan niya itong inilayo sa katawan niya. "I-ikaw?" Nabubulol si Cassy nang napag sino ang saviour niya. Hindi niya malaman kung alin ang unang tatakpan. Namumula ang mukha na agad nagbaba ng paningin. Hindi niya kayang salubungin ang mga mata nitong light green na nakatitig sa kaniya. "Sumunod ka sa akin at nang magamot ang sugat mo," ani Delta sa babaeng nakatungo. Mabilis siyang lumabas sa banyo dahil nag-iinit ang kaniyang katawan. Ngunit halos sampung minuto na ang lumipas ay hindi pa rin lumalabas ang babae. Kaya't muling nabuhay ang inis niya at napasigaw. "Hey, woman, come out! Or else I will come inside and you will never want what I'll do to you, woman!" he shouted. Agad namang hinila ni Cassy ang nakitang bath robe na nakasabit sa loob. Sigurado siyang sa binata iyon. Bahala na kung magalit ito sa kaniya. Wala naman siyang ibang pwedeng ipantakip sa hubad niyang katawan. Kaysa naman muli siya nitong palayasin kaya dahan dahan siyang lumabas. "F*CK!" Natiligan si Delta nang lumabas ito. Gusto na niyang mapa mura dahil muli na namang nabuhay ang init na kanina pa gustong kumawala. Nang biglang may nag doorbell kaya nawala ang atensyon niya sa kaharap at napabaling sa pintuan ang paningin niya. "Stay here!" mariin niyang wika at nagmamadaling lumabas. "Sir, ito po ang mga damit saka po pala nasa baba ang mga luggages na nakuha sa dalampasigan," imporma ng staff niya na nasa labas ng pintuan. "Tell them to bring it here," he answered. "Yes, Sir," tugon nito. Nang nakapasok siya sa room ay ibinigay niya ang damit sa babae. "Use this para maging komportable ka." Samantala ay hindi agad nakagalaw si Cassy dahil nakatayo pa rin sa harap niya ang binata. Marahil ay nakahalata ito kaya mabilis na tumalikod. Ngunit may pabulong bulong, Careless whispers nga lang pero umabot pa rin sa pandinig niya. "Nahihiya ka pa! Nakita ko na lahat iyan!" pabulong nitong sambit. Hindi na lamang niya ito pinansin sa iba pang sinasabi nito. Dahil tama naman ang binata, nakita na nito ang buong katawan niya. "Come here at lalagyan ko ng gamot ang mga sugat mo," anito ilang sandali ang nakalipas. Wala siyang nagawa kundi sumunod na lang sa utos nito. Dahil nag-aalala siyang baka mabadtrip na naman ito at palabasin siya ng resorts. At sa paglapit niya dito ay natulala siya sa kagwapuhan nito. Lalo na ang mga matang nakatutok sa labi niyang nilalagyan ng gamot. "Staring at me is a big sin, at mahal ang kabayaran niyan!" singhal nito sa kaniya. Napalunok tuloy siya sa narinig kaya't napaayos nang pag-upo at binaling ang paningin sa ibang direksyon. Nang matapos ang ginagawa ay lumayo siya ng bahagya sa babae at tinanong niya ito. Nais niyang malaman ang totoo kung ano ang ginagawa nito sa resort nila. "Why are you here? I mean, alam mo namang private resorts ito. Bakit ka nandito, anong kailangan mo?" sunod-sunod niyang tanong. Sa kawalang masagot ay nasabi ni Cassy, ang totoo "I want you to marry me," she honestly said "What did you say?" Ang mahinahon niyang boses ay muling umigting. Hindi porke’t inaasikaso niya ito ay basta na lang sasabihin sa kaniya ang salitang kasal? What a jerk! "Iyon ang nakasaad sa last will and testament, Mr. Montemayor. Kailangan pakasalan mo ako para hindi mapunta sa charity ang lahat na mamanahin ko." Nakatungo ito, marahil ay natakot sa lakas ng boses niyang sumabay pa sa kulog at kidlat. "F*ck! What the hell! Hindi pa ako nababaliw upang pakasalan kang babae ka! And for your information ay wala sa vocabulary ko ang salitang kasal! Kahit pa sinong babae ang magsasabi ng kasal ay wala akong pakialam. Dahil hindi pa pinapanganak ang babaeng papakasalan ko at lalong hindi ikaw iyon!" nanggigil siyang papatayo dahil sa biglang galit niya. "P-please ikaw lang ang pag-asa ko. Kahit anong hilingin mong kapalit ay handa kong ibigay sa iyo, basta pakasalan mo lang ako. After I claim my will, we will file a divorce." She begged him. "Walang divorce dito sa Pilipinas and I said NO! Hindi ikaw ang babaeng bibigyan ko ng pangalan ko NEVER! By the way, nasa kabilang room ang mga luggage mo at bukas ay maaari ka ng umalis," he answered coldly as he walked away from his own room. Nanghihina namang naupo sa carpet si Cassy. Awang-awa siya sa kalagayan niya. Kung hindi niya mapapapayag si Delta ay wala siyang makukuhang mana. Bagsak ang balikat na tumayo saka naglalakad papasok sa silid na itinuro ng binata. Nang sumara ang pinto ay nasundan niya ng tingin ang naka saradong pinto. Hindi naman siya totally umalis sa silid kundi nagkubli lamang. At sa hindi malamang dahilan ay nakaramdam siya ng panghihinayang. "Oh, jerk! Bastard!" Sermon niya sa sarili. Bakit ba siya nakakaramdam ng ganoon? Dahil dito ay nagmamadali siyang nagtungo sa bar at kumuha ng paboritong alak. Samantala sa silid na okupado ni Cassy ay naglalakad-lakad siya dahil hindi mapalagay. Animo'y sirang plaka na paulit ulit umalingawngaw sa isipan niya ang mga sinabi ng binata. Dahil sa mga binitawang salita nito ay nawalan na siya ng pag-asang makuha pa niya ang mana. Napaisip tuloy siya kung bakit iyon ang kondisyong ginawa ng namayapang Doña Betita. Ano kaya ang kaugnayan nito sa pamilya Montemayor. >>>
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD