Humilata kaagad ang dalaga nang makarating sa inuukupang silid sa hotel. Tapos na ang misyon niya at kahit hindi na niya i-report pa iyon sa DDE ay malinaw na alam na ng mga ito ang magiging resulta kapag si Oren Ishie ang trumabaho. Gusto niyang maging payapa ang isip kahit pansamantala. Hindi niya alam pero may pakiramdam siya na tila may nakapuna sa kaniyang ginawa. Pero sino? Sino naman ang makakapuna sa bilis ng galaw na ginawa niya. It won't be seen by a normal person's sight.
Hindi pa siya tumatagal ng limang minuto mula sa pagkakahiga ay bumangon na naman siya. Hindi talaga siya mapakali. Hinagip na naman niya ang nakapatong na sigarilyo sa palagi nitong pwesto at naglakad na naman patungo sa veranda. Dating gawi, sinamyo niya ang hanging tumama sa kaniyang mukha. Maalinsangan ang paligid. Umupo siya sa railings at humithit ng sigarilyo. Isa, dalawa, hanggang sa makatatlo na naman siya ngunit hindi gaya ng mga nauna mga araw ay hindi maalis ang maalinsangang pakiramdam niya ngayon.
“Hey! Something is bothering you, right?” Hindi na siya lumingon dahil alam na niya na si Haruma lang iyon na naroon na naman sa katabing balkonahe.
Muli siyang humithit at ibinuga iyon sa gawi nito. Sanay na siya sa binata, medyo makulit ito kung minsan at parang bata. Para na sila nitong magkapatid dahil sabay naman sila nitong lumaki. Sabay nagsanay sa lahat ng bagay na may kinalaman sa pakikipaglaban.
“May nasagap akong lead,” anito na nakakuha sa atensyon niya.
“About?” tipid niyang tanong.
“About the heir.” Lumingon siya sa dereksyon nito at tumigil sa paghithit ng hawak na sigarilyo.
“Are you sure?” tanong niya. Gusto niyang makasigurado. Ilang beses na rin kasi silang nagsayang ng panahon sa pagsunod sa maling tao.
"Nope, not until I have something from his body to run some test!" saad nito sa kaniya.
"Give me the address. I will do it," agad niyang saad sa binata.
"I will send it to your email," saad nito.
"Send it now!"
"Whoah... kalma! Hindi naman tatakbo ang mag-ina na iyon. Siya nga pala Senseii called me. I will go back in Japan. My things are all done... ready for tomorrow morning flight!" imporma nito sa kaniya.
"Why? What happened? May problema ba ang Shujin?" bakas ang pag-aalala sa boses niya. Malamang ang taong iyon lang naman ay ang piangkakautangan niya, nila ng buhay.
"Nothing... calm down! Masyado kang nag-aalala. Kailangan lang ako ng Shujin sa isang business transaction dahil wala siyang tiwala sa pamangkin niya sa labas," saad nito na bahagyang nagpakalma sa kaniya. "Ikaw? Wala ka bang balak umuwi muna kahit sandali? We've been here for almost years Aki!"
"Wala!" maikling tugon niya.
"Wala? As in wala? Hindi mo man lang ba na-miss ang ramen?" anito.
"Hindi! I have tons of ramen here... Shujin always send me a supplies," aniya. Nakita niya kung paano umawang ang bibig Ni Haruma.
"You have what? Teka bakit ikaw lang? Ako wala?"
"Aba malay ko! Mas mahal lang talaga ako ng Senseii... siguro?" kibit-balikat niyang sambit.
Sumeryoso bigla si Haruma at humarap sa nagtataasang building na matatanaw sa harap nila.
"Seriously Aki... why don't you take a leave. Hindi naman tayo inu-obliga ng Shujin sa mission na ito. We've been here for years. Why don't you go back and breath a little. You've been exhausted this past week. Alam ko... nararamdaman ko Aki! Take a break for a while babygirl..." litanya nito sa kaniya.
Napangiti siya. Haruma was like a big brother to her. Minsan naaalala niya ang mga kuya niya sa binata. Kung hindi lang siguro puti ang natural na kulay ng buhok nito ay papasa na itong kapatid niya sa totoong buhay. Mukhang excited na rin ang binata na umuwi, palagi lang din naman itong nagrereklamo sa traffic at sa kawalan ng vendo machine sa paligid.
"Thank you, Haru but I can still manage," sagot niya.
"Ang tigas talaga ng ulo mo, Aki! Kapag nagkasakit ka, naku! Isusumbong kita kay Senseii... tiyak pauuwiin ka na n'un kaagad."
Natawa na lang siya sa banta nito iyon ay dahil alam niyang posible talagang pauwiin siya ng Shujin kapag nagkataon.
Hindi sila inobliga sa misyon na hanapin ang tagapagmana ng Shujin, ngunit ginugol na niya ang buong panahon niya rito. Is it because she promised to herself na hindi siya babalik hanggang hindi niya natatagpuan at maisasama ang tagapagmana.
"Take a good care of our Shujin, Haru! Huwag mong pasakitin ang ulo pwede ba!?" paalala niyang saad.
"Alam mo ang sama mo!"
"I know that, Haru... I know that!" nakangising aniya.
Akmang papasok na siya nang muling magsalita ang binata. "Have you watch the news?"
"What news?"
"Hadeshiko's Assassination." Natigilan siya. Kahit kailan talaga ay walang nakakaligtas sa pag-iimbestiga kapag si Haruma ang nagtrabaho.
Tactical Expert din ang lalaki at hindi rin ito magpapahuli mapa-close o long range combat pa ang laban. Nagbuga muna siya ng marahas na hininga bago muling humarap sa binata.
Hindi pa siya nakakabuka ng bibig ay nauna na ito. "It was you, right?" anito.
"Tanong ba 'yan, o akusasyon?" nakangiting tanong saad niya. Kilala niya si Haru, alam niyang hindi ito mag-o-open ng isang topic na wala pa itong alam.
"It's up to you, babygirl!" saad nito.
"What do you think, Haru? Is it me or it is not?"
"Tsk! Silly bitch... ginawa mo pa akong manghuhula. Just be carefull Aki. Hindi biro ang pinapasok mo, lalo na kung may kinalaman sa organization ang mga tinatrabaho mo," paalala nitong saad sa kaniya.
"Pfft! Why you are sounding like Shujin?"
"Pinaaalalahanan lang kila Akino... Oren? Or whatever name you'd prefer!" Napasimangot na lang siya. Alam nga ng walang hiya ang side job niya.
"Oo na!" sikmat niya at dere-deretsong pumasok sa loob.
Napailing na lang siya. Wala na talaga siyang maitago sa kababata.
Nang makapasok siya ay siya namang pagtunog ng notif ng kaniyang laptop. Nang tingnan niya ito ay iyon na ang address nang sinasabi nitong lugar kung saan matatagpuan ang bago na namang prospect o pinaghihinalaan nila na posibleng anak ng Shujin. Kalakip rin nito ang files kung saan naroon ang iba pang impormasyon. Tumutok ang paningin niya sa larawan na naka-attached sa email.
There is something with the man in the photo that captures her attention. Malakas ang kutob niya na ito na nga ang taong hinahanap nila nang matagal na panahon.