Isang linggo pa lang ang nakakaraan mula nang bumalik siya sa Pilipinas ay parang gusto na ulit niyang umalis para alamin kung ano na ang nangyayari kay Akino. Gusto niyang tingnan kung ano ang pinagkakaabalahan nito para hindi nito maisip na kontakin man lang siya. Hindi man lang ba nito naisip na may kasintahan ito na nag-aalala. Sana man lang ay maisip nitong magparamdam para hindi siya nagmumukhang tanga sa kakahintay na sagutin nito ang tawag niya. Gumagawa naman siya ng paraan, araw-araw ay sinusubukan niyang makausap ito pero ito palagi ang walang panahon. Pati ang paghingi ng tulong kay De Dios para makipag-usap sa dalaga ay ginawa na niya but still she's out of reach. Ang tanging ipinaabot lang nito sa binatang kaibigan ay ang kasiguraduhan na nasa maayos itong lagay at humihing

