Kakapasok lang ng sasakyan ni Z sa loob ng compound kung saan nakatira ang kaibigan. Dito siya namamalagi kaya naman nandito rin ang lahat ng mga gamit niya at pabor sa kaniya na bumalik dito ang dalaga dahil mas magiging malapit lang ito sa kaniya. Hindi naman siya makakapayag na sa tahanan ng lalaking may puting buhok mag-stay ang kasintahan. Kaagad silang sinalubong ng mga tauhan ni De Dios na nasa harapan, habang ang iba ay tanaw niya sa paligid ng buong compound. Mukhang seryoso ito sa pagprotekta sa mag-ina nito lalo na at naroon na ang mga yon sa poder nito. Patay na si James Nhorman pero hindi raw sila pwedeng maging kampante dahil may mga tauhan pa rin na tapat dito na mula sa ibang pamilya. It was more like a silent battle between the position of De Dios. Palaging malalagay ang

