CHAPTER 23

1919 Words
“Akino!” Bigla siyang napalingon sa pagsulpot ng binata sa kaniyang silid. Humangos ito at halatang balisa. “Si Papa!” Sukat doon ay bigla siyang kinabahan. Alam niyang darating ang araw na ito noon pa man. Hinanda na siya ng Shujin noon pa pero bakit tila pinipiga ang puso niya sa mga sandaling iyon. Hindi pa man niya batid ang sasabihin ng binata pero base sa tinig nito ay alam na niya. Pinigil niya ang sarili sa panginginig. Maging ang napipintong pagluha ay hindi niya hinayaang makita ng binata. Tama na ang minsan niyang pagluha. “Wala na si Papa, Akino!” saad ng binata sa kaniya. Kumibot ang kaniyang labi ngunit wala siyang nasabi na ibang salita. “Tara na! Hinihintay na tayo ng Shujin,” walang emosyon niyang tugon. Nauna na siyang lumabas ng silid at nagsuot ng itim na Kimono. Binagtas nila ang daan papunta sa ospital. Malapit na ang mag-umaga ngunit wala pa siya kahit kaunting tulog man lang. Sigurado siyang ganoon din ang binata. “I envy you, Akino.” Napalingon siya nang basagin ng binata ang katahimikan sa loob ng sasakyan. “I envy you so much. Nagkaroon ka ng pagkakataon na makasama ang ama ko. Pagkakataong matutunan ang lahat ng bagay na alam niya. Hindi man lang ako nabigyan ng pagkakataon na makasama siya ng mas matagal. Ang dami ko pang hindi nasasabi sa kaniya,” sambit ng binata. Nag-umpisa na itong tumulo ang luha. Siya naman ay tanging sa daan naka-focus ang paningin ngunit ang utak ay lumilipad sa kung saan. “Okiru!” ~Get up!~ “Sore wa machigatte iru,” ~That's wrong!~ "Sono ha o anata no ude no encho to shite kangaete kudasai!" ~Think that blade as an extention of you arms!" "Hai, Senseii!" Pumikit-pikit siya, pakiramdam niya ay nangangapal ang kaniyang mukha. Nanlalabo ang mga mata niya. Sunod-sunod ang pagbuhos ng mga alaala niya kasama ang kaniyang Senseii, ang kaniyang Shujin. Ang kauna-unahang lalaki na hinangaan niya bukod sa yumao niyang ama at kapatid. Ang mga araw na magkasama sila nito sa paglusob sa mga masasamang loob. Ang pagbabawas nila nito ng masasamang damo sa parang. At ang una niyang pagpaslang na umani ng papuri mula sa kaniyang guro. Hindi niya makakalimutan ang turing nito sa kaniya na parang anak. Lahat ng bagay na hindi nito naibigay sa anak nito ay sa kaniya nito ibinuhos. Ilang beses na rin siya nitong inutusan na lumayo at magbagong buhay ngunit matigas ang desisyon niyang mamamatay muna siya bago ito iwan. "AKINO!" sigaw ng binata nang bigla niyang ihinto ang sasakyan. Binuksan niya ang pinto at mabilis na umibis at tumakbo siya sa gilid ng kalsada at doon pinakawalan ang lamig na pumuno sa kaniyang sikmura. Wala siyang kinain ngunit ang daming inilabas ng kaniyang sikmura. Sumuka siya ng sumuka hanggang humapdi iyon at wala nang mailabas pa. "AKINO!" dinig niyang sambit ng binata habang hinahimas ang kaniyang likod. Unti-unti na siyang iginupo ng emosyon. Natalo na naman siya, natalo na naman siya ni kamatayan. Kinuha na naman nito ang pinakaimportanteng tao sa buhay niya. Sumalampak siya sa malamig na semento at doon hinayaan ang sarili na magluksa, doon malayo sa harap ng kaniyang Shuji-sama dahi hindi siya iiyak sa harap ng labi nito. Hinding-hindi. "SHUJIN-SAMA! KAMI NO SOBA DE YASURAKA NI YASUMU, SENSEII!" ~MASTER! REST IN PIECE IN GOD'S SIDE, SENSEII. TENGOKU KARA WATASHI O MIOROSHITE KUDASAI. DOMO ARIGATO, SENSEII. DOMO ARIGATO!" Nasa harapan ang kaniyang master ng malaking larawan ng ama nito. Sa ibaba niyon ay ang puting magarang sisidlan ng abo nito. Sa gilid ay naroon ang malaking sympathy flowers. Walang patid ang pagdating ng mga kung sinu-sino. Naroon din para magbigay galang at pamamaalam ang iba't ibang Ronins mula sa iba't ibang angkan. May mga Shoguns at Daimyo at may pinadala rin na mensahe mula sa Emperor. Hindi niya sukat akalain na ganito karami ang natulongan ng kaniyang Shujin. May mga nakipagkilala rin sa binata at nagbigay respeto at pagtanggap bilang bagong pinuno. Alam niyang pagod na ito sa kakayuko at pakikipagkamay. “This is so tiring,” bulong nito nang bigla na lang niya itong sikuhin. Tiningnan siya ito ng matalim ngunit sa ibang direksyon ang mga mata niya nakatuon na sinundan din ng mga mata. Wala sa sariling napatuwid ito sa pagkakatayo nang makita ang babae at kalong nito ang anak, kasunod ang asawa nito. Nasa unahan nito ang babae na nakayuko habang naglalakad palapit sa kinaroroonan nila. “Calm yourself and don't make a scene,” paalala niya. “What do you think I would do? Hindi naman ako ganoon kabastos para gumawa mg eksena. This is my father's wake, Akino,” tugon nito, ngunit kuyom ang kamao sa sobrang pagpipigil. Alam niya na nagngingitngit ang loob nito sa lalaking kadarating lang lalo na at may nakarating sa kanila na impormasyon na maaaring may kinalaman ito sa nangyari sa kaniyang Shujin. “She is very beautiful,” bulong niya sa binaya. Inilapit pa niya ang mukha sa tenga nito na. Kaya nilang magbulungan kahit hindi sila nito magdikit. “No doubt why that insolent bastard likes her. I hope she wouldn't ends up like other,” dugtong pa niya. “What do you mean by that?” “Nothing... that man married her so, hindi naman niya siguro ipapahamak ang ina ng anak niya,” saad niya. Nabigla rin siya sa lumabas sa bibig niya. Hindi siya dapat nagsasalita ng kung anu-ano lalo na kapag may kinalaman sa babaeng iyon. Lumapit sa gawi nila ang babae kaya ramdam na ramdam biya ang tensyon sa katabing binata. “My condolences, Tita Janet,” saad nito sa ina ng kaniyang Shujin nang lampasan lang sila niyo. “Ouchy!” sambit niya Akino. Binato siya nito ng masamang tingin at mas lumalim lang pagkakangisi niya. “Salamat, Hija," mahinang sambit ng ina nito. "Hindi mo ba kasama ang mama mo?" "Hindi po tita, I don't know if she could come. Pasensya na po," anito sa ginang. "Oh, you bring him," ani ng ina ng binata na ang tinutukoy ay ang anak ng babae. "Hey young man, come here. Give grandma a little hug," dugtong pa ng nito. At natagpuan na lamang niya ang binatang katabi na humahakbang patungo sa kinaroroonan ng mga ito. "Hi, pwede ko ba kayong maistorbo?" anito nang makalapit. "Condolence, Kel- I... mean, Master!" saad nito sa binata saka yumuko. "Anong ginagawa mo Lena? Hindi mo kailangang yumuko," anito sa babae. "Ikaw na ang bagong pinuno. Narinig ko sa usap-usapan ng mga tao rito," sagot lang nito. "Pero-" "O, tama na nga iyan! Hawakan mo muna itong bata Kentoy at may importante lang kaming pag-uusapan ni Lena!" Wala itong nagawa nang ilagay ng ina nito ang bata sa bisig ng kaniyang master. Maging ang babae ay ganoon din nang hilahin ito ng ginang palayo. "Tenjo Clan is here, kailangan mo silang harapin,” mabilis na saad niya sa binata. "What is gotten into you, Master Ken? Hindi mo dapat kinuha ang batang iyan, malaking gulo kapag nakita ni James na hawak mo 'yang anak niya," dugtong pa niya. "Relax, Akino. Wala akong ginagawang masama, saka isa pa hindi ko naman intensyon na hawakan itong bata si mama kasi," anito. "Alam ko na wala kang ginagawang masama pero ang baliw na lalaking iyon siguradong mag-iisip ng masama," saad niya. "Go talk to the Tenjo Clan, I give the kid back to his mother," aniya at kinuha ang bata mula sa bisig ng lalaki. "Nandun sila sa resting area kasama ni mama," anito sa kaniya. Lumakad na ito upang harapin ang Tenjo Clan, isa sa malalayong kaalyado ng ama nito. SAMANTALA... "Tell me about your son, Lena?" saad ni Janet De Dios kay Magdalena. Nasa loob sila ng silid na nagsisilbing pahingahan ng pamilya. "Tell me more, I want to know everything about my grandson, Lena," anito. Mga katagang gumimbal sa babae. Agad siyang napahinto sa tapat ng pinto at hindi nagsalita. "Kahit hindi ka magsalita ay malalaman ko rin ang lahat, Magdalena. I just want the truth to come from your mouth. What happened to you, anak?" dugtong pa ng ginang. "Tita..." "What happened to you Lena, tell me!? Si Margaret ba ang dahilan ng lahat ng ito ha? Ang mama mo ba ang dahilan kung bakit ka napunta sa ganitong sitwasyon? Alam ko kung gaano mo kamahal ang anak ko, Lena. Alam ko na hindi ka basta-basta aalis at iiwan ang anak ko ng walang mabigat na dahilan," anito. Hindi na nito napigilan ang pagbuhos ng emosyon. "Bakit ka nagpakasal sa lalaking iyon, anak? Bakit ka nagpakasal sa lalaking iyon gayong anak ni Kelvin ang batang iyon?" sambit nito sa babae na lalong nagpahagulhol sa una. "APO KO ANG BATANG IYON HINDI BA, LENA?" Hindi ito sumagot ng hindi, hindi rin siya umamin. "He really looks like his father, Lena!" dugtong pa ng ginang. "He exactly looks like Kelvin when he was in that age. Nang makita ko ang anak mo sa ospital pa lang, alam ko na may itinatago ka. Even if you wouldn't talk now, I will know everything sooner, Lena," anito. "Kung ano man po ang itinatago ko alam ko na para ito sa kabutihan ng lahat. Ginawa ko lang po ang alam ko at sa tingin kong tama. Patawad po tita sa ginawa ko kay Kentoy," saad ng babae. "Hanggang kailan mo itatago ang totoo Lena? Alam mong karapatan ng anak ko na malaman na anak niya ang batang iyon sa iyo," saad ng ginang. "Hindi ko alam tita, pero pakiusap hayaan ninyo na ako ang magsabi nito," pakiusap nito. "Hindi ko maipapangako, anak! Masyado nang madaming hirap na dinanas ang anak ko at huwag mo namang ipagkait sa kaniya ang mawalan sa anak niya. Huwag mong gawin sa anak ko ang ginawa ko sa kaniyang ama. Huwag, Lena!" NAPATDA siya sa tangkang pagpasok sa silid dahil sa narinig. Hindi niya kasalanan kung masyadong matalas ang pandinig niya at narinig niya ang pag-uusap ng dalawang babae sa loob. Agad tumuon ang paningin niya sa buhat na bata. Kaya pala kanina habang pinagmamasdan niya ito na buhay ng binata ay may kakaiba siyang napuna na hindi niya mawari. Ngayon ay malinaw na sa kaniya kung ano iyon. Napakalaki ng pagkakahawig ng bata sa kaniyang Shujin at sa kaniyang Master Kenji. Wala sa sariling napailing na lang siya. Thahara ang batang hawak niya, posibleng ang susunod na pagmamana ng lahat sa hinaharap na henerasyon. Bakit ganito kalupit maglaro ang tadhana? Bakit ang husay nitong maglaro ng buhay at kapalaran ng mga inosenteng tao sa mundo? Malaking gulo ang naghihintay sa kanila sa hinaharap at ngayon pa lang ay kailangan na niyang maghanda. Wala siyang panahon para isipin ang sarili niyang pangungulila. Kailangan niyang ituon ang pansin sa mga magaganap. Huminga muna siya ng malalim bago nagpasyang kumatok. Tatlumpung segundo ang lumipas bago iyon bumukas. Ang babaeng labis na minamahal ng kaniyang master ang nagbukas ng pinto. Mas maganda pa pala ito sa malapitan kaysa sa inaasahan niya. Ngumiti siya at iniabot ang bata sa ina nito. "Arigato Guzaimasu," saad nito sa kaniya. "Walang anuman, busy na si Kenji kaya pinaabot na ang bata." Tumingin siya sa ginang na nasa loob at yumuko. "Mauna na ako," paalam niya sa babae na halatang nagulat sa pagsasalita niya sa lengwahe ng mga ito. "S-salamat ulit," sambit nito. Ngumiti siya bago nagpaalam at tumalikod. Naglakad siya palayo bitbit ang lihim na alam niyang ano mang oras ay sasambulat na parang bomba sa lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD