Mapple's Pov NAKARATING kami sa labas ng isang malaking bahay. Sa labas pala ay halatang mahal ang bili nito. Napakurap kurap ako habang naka awang ang labi ko dahil hindi ako makapaniwala na sa 'kin talaga ang bahay na 'to. Kinurot ko pa talaga ang pisngi ko at baka nanaginip lang ako. Pero hindi, nasaktan ako eh kaya totoo 'to hindi panaginip. Tumingin ako kay kuya Red na inihinto ang sasakyan niya sa gilid ng kotse. "Sakin po talaga 'to, kuya Red? Hindi ka ba nagbibiro? Baka naman nilalagnat ka lang ha!" Saad ko sakanya. "Mamaya pa ako lalagnatin sa sarap, little girl." Sagot niya sa 'kin kaya inirapan ko siya. "Hindi nga po? Bakit mo naman ako bibigyan ng bahay? Dinaig mo pa po si kuya Will sa sobrang galante ahh.." saad ko. Nakita ko naman nagbago ang itsura ng mukha niya. Nak

