Chapter 20 Nagising si Lala na may gustong kumuwala sa kanyang bibig. Tinakpan niya ang bibig at nag mamadaling pumunta sa banyo at nang makita niya ang sink; nilabas niya lahat ang kanina pang gustong lumabas. “Ughhk,” patuloy na pag duwal ni Lala at naka-hawak sa sink para mag karoon ng suporta. “Ughhk!” Naubos na ang kanyang enerhiya sa rami ng kanyang dinuwal. Nang matapos, nag mumog na siya at nag hilamos. Tinignan niya ang sarili sa salamin; namumutla at hinang-hina. Ganun naman parati niyang nararamdaman tuwing umaga ang maka ramdam ng morning sickness sa pag bubuntis. Sinapo ni Lala ang mukha at lumabas sa banyo. Pag dating ko sa malawak na silid namin ni Connor sobrang tahimik at hindi ko siya makita. Asan kaya siya? Nag palit na rin ako ng damit at lumabas na silid namin.

