Chapter 42 Naka-tayo si Connor malapit sa glass window, pinapanuod ang nag tataasang mga building mula sa kanyang kompaniya. Maganda ang panahon ng araw na iyon at kulay asul din ang kalangitan. Suot ni Connor ang itim na pares na suit at ang mukha walang kaemo-emosyon. Bahagyang inayos ni Connor ang mamahalin na rolex watch at ang mata nito naging matalim na kahit na sino matatakot na titigan na mala misteryoso, at kay dilim. Tumunog ang cellphone ni Connor mula sa bulsa at sinagot ang tawag mula sa isa sa mga tauhan nito. “Hello.” Gumuguhit ang malamig na boses ni Connor sa loob ng Opisina at ang tingin naka-pako pa rin sa labas. [Hanggang ngayon hindi pa rin lumalabas sa silid si Mam Lala. Ayaw niya ring kumain at mag hapon siyang umiiyak.] ang balita ng tauhan ni Connor ang mag pa

