Chapter 88 LALAINE'S POV Tulala at tanging iyak na lang ang masagot ni Lala na tinitignan na patuloy na nire-revive ang kanyang anak ng mga doktor. Naging blangko na ang kanyang isipan na mataranta na ang doktor mula sa loob samantala naman ang kanyang anak flat pa rin ang linya. Nasaksihan mismo ni Lala na paulit-ulit nirevive at gumagalaw ang katawan ng kanyang anak sa bawat pag lapat ng defibrillatorsa dibdib nito. "C-Connor, si Denver." Hagolhol niyang pag iyak na hindi inaalis ang kanyang tingin sa walang pa ring malay na katawan ni Denver. Nag darasal siyang maging ligtas at bumalik ang pulso nito. "C-Connor, huwag mo silang patigilin. Gawin nila ang lahat ng makakaya, na balikin nila si Denver sa atin." Humigpit na ang pag kakahawak ni Lala sa damit nang asawa at nag mamakaawa n

