Chapter 56 LALAINE’S POV “Sige po, Aling Roxan mauna na po ako sa’yo,” sinukbli ko na sa balikat ko ang lumang bag na madalas kong dinadala at nag paalam na sa kwarenta-otso anyos na kasamahan ko na naiwan pa sa station nito na hindi pa tapos ang ginagawa. “Uuwi kana ba Lala? Mukhang maaga mong natapos ang trabaho mo ah,” sinilip nito ang station ko, na dalawang pagitan lamang ang layo sakanya, sabay ngiti na tinutuon ang atensyon sa tinatahi pa nito. “Kailangan po kasi, nag hihintay na kasi ang anak ko sa labas,” anito na kina-tango naman nito. “Sige po, mauna na po ako sa’yo,” nag paalam na ako sakanya at siya lamang ang kasundo ko sa iilan na kasamahan namin. Mabibilang na lang sa aking kamay ang naiwan na mga kasamahan ko ang tinatapos pa nila ang kanilang ginagawa at ilan naman m

