Dinner I wore a simple white dress and flats. Chineck ko ang aking sarili sa malaking salamin, suot ang slingbag na may mukha ng isang bunny, ngumiti ako ng matamis. Siguro tama na ito. Mahilig kaya si Aries sa bunny? Dapat pala pag nagkita kami ay tanungin ko siya. Marami kasi akong slingbag na may iba't ibang mukha ng hayop. Nakatanggap ako ng mensahe kay South. Binuksan ko iyon at nagmamadali ring bumaba pagkatapos iyong basahin. Naroon na siya sa ibaba. "South!" I smiled at him after seeing him outside, leaning on his black car and hands on his pocket. Napanguso ako dahil nakaitim lang siya na jacket at medyo messy ang buhok. Napapansin ko na ganoon rin ang buhok ni North. May kung ano talaga sa mga imahe nila na nakakasindak. Tumayo siya ng tuwid at binalingan ako. He stared at m

