"Oo naman po, Tay," sagot ni Ed na maikling ngumiti. "Alam ko po ang responsibilidad ko, hindi lang kay Teen kundi pati na rin ho sa inyo. Huwag po kayong mag-alala, hindi po kami magmamadali ni Teen." Napabuntong-hininga si Teen habang tahimik na nakikinig kay Ed. Ang pagiging maunawain ni Ed at ang mataas na respeto nito sa kanyang mga magulang, kung kaya't mas mahal na mahal n'ya ito. "Tama 'yan, hijo," sagot ni Tatay Inggo. "Ang kasal at ang pagpa-pamilya ay hindi parang bigas na basta mo na lang isasaing kapag nagugutom ka. Kailangang sigurado kayo bago kayo pumasok sa mas seryosong desisyon." Tumango si Ed bilang pagsang-ayon, saka hinawakan ang kamay ni Teen na nakapatong sa lamesa. "Hindi ko minamadali si Teen, Tay. Basta't masaya siya at kampante sa relasyon namin, sapat na po

