ALISTAIR'S POV Pagkapasok ng club ay hindi ko maiwasan na magpalinga-linga sa paligid. "Whoa! Daming babae!" natutuwang sabi ni Javi. Chickboy talaga ang gago. "Tig-iisa tayong tatlo na maiiuwi sa bahay." Napailing na lang ako. Kahit kailan ay sobrang matinik talaga ito sa mga babae. Pumunta kami sa pinakasulok ng club. Bakante iyon. Panay ang lingon ko sa paligid. "Sinong hinahanap mo d'yan?" Nagtatakang tanong ni Theo. "Ah.. wala naman. Huwag mo akong isipin," sagot ko. "He's looking for seats. Ano ka ba naman Theo?" sabad ni Javi sa amin. Tumango na lamang ako bilang pag-sang-ayon. Dahil baka magtanong pa ng magtanong ang mga ito. Si Javi na ang nauna para maghanap ng mauupuan at iyon ngang nasa pinakasulok ang napili nito dahil bakante rin naman. Naunang naupo si Javi roo

