“Dito nalang kami,” paalam ko kay Kurt na hawak ngayon ang anak niya na mahimbing ng natutulog. “Ingat kayo” nakangiti niyang sabi bago nakipag-apir sa anak ko na may hawak na tatlong balot na nasa plastic. “Kayo rin.” Sumakay na kami sa sasakyan habang ang anak ko naman ay hindi mapakali sa hawak niyang tatlong itlog, ngayon lang siya nakakain non at ang kaninang nandidiri ay gustong-gusto na kumain mas lalo na ang dilaw ng balot at ang puti nito. “Mommy, I don’t know na theres a egg po pala na may duck sa loob!” sabay taas niya ng plastic na mahigpit niyang hinahawakan. “Bakit po walang ganito sa Canada?” Nagkibit balikat ako sa kanya bago tumingin sa side mirror para tignan ang pwesto niya. “I don’t know baby, you should eat that before your daddy arrive. Kukunin niya ‘yan” paalala

