Flashback Mag-isa lang akong kumakain sa mcdo, wala akong gana makipagkaibigan pagtapos ng lahat ng nangyari. Hindi ko na alam ngayon kung sino ang dapat pagkatiwalaan, nakarating na rin sa parents ni Kurt ang paninira ni Raven at sa ginawa n'yang kwento na pineperahan ko si Kurt. Alam kong galit sila sa akin ngayon at ang tanging naging sandalan ko nalang ay si Kurt at maniwala sa sarili ko na kakayanin ko kahit wala akong kaibigan na masasandalan. "Pwedeng makishare?" tinignan ko ang lalaki na nakatayo sa harap ko. "Sige lang po," nakangiti kong sabi bago tumutok ulit sa pagkain ko. Puti ang uniform niya at base sa logo na nakakabit sa uniform niya ay nag-aaral siya sa magandang paaralan na malapit lang samin. "Medtech ako, hindi nursing." Napatingin naman ako agad ng sabihin niya

