Chapter 8

1102 Words
“Sige na Julie, baka bibigyan naman kita ng 2k libo eh.” Pakiusap ko kay Julie. Isang linggo na rin ang nakalipas mula ng tanggapin ko ang alok ni madam Lily at nang may nangyari sa amin ni Marc. Hindi na rin ako pumasok sa V-bar dahil nahihiya na akong humarap pa kay sir Vince at may Marc. “Hindi ba may student id ka na man? Ano pa ba ang mga I'd na meron ka diyan?” Napabuntong hininga na lang ako dahil sa tanong niya. Dalawa lang kasi ang I'd na meron ako dito, yun ay ang student id ako at ang I'd ko sa dati kong trabaho. Hindi pa ako naka kuha ng ibang I'd dahil student pa lang naman ako. “Yung I'd ko dati sa trabaho ko. Tinanong ko na rin to sa guard sa banko at hindi daw ito tatanggapin kapag nagpalit ako ng tseke. Kailangan daw ay meron akong primary I'd, eh wala naman ako ng mga yun. Alam mo naman na estudyante pa ako. Wala din naman ako nung voters kasi hindi naman ako bumubuto.” Sabi ko sa kanya. Buti nga at binigay sa akin ni Marc ang tseke na walang pangalan kaya pwede ko iyon ipangalan kay Julie. Ang importante lang naman doon ay may pirma na ni Marc. “Jusko naman Mary, colorum ka pala. Bakit kasi hindi ka na lang kumuha ng I'd?” Natatawa na saad niya at umupo sa tabi ko. “Julie naman, parang hindi mo naman alam dito sa pinas. Alam mo naman na hindi ka din makakakuha ng I'd dito kapag wala kang valid Id na ipapakita. Ang national I'd ko naman ay hindi pa dumating.” nakanguso na saad ko. “Hays, may magagawa pa ba ako eh, kailangan na kailangan mo na ng pera. Ilagay mo na lang ang pangalan ko diyan at maliligo lang ako para samahan ka banko.” Sa sobrang tuwa ko, ay nayakap ko si Julie. Sa wakas mababayaran ko na rin ang nakasanglang lupa namin. *** “Ito na ang pera mo, ipadala mo na agad yan sa magulang mo ng hindi makuha ang lupa niyo.” Ani sa akin ni Julie, ng inabot niya sa akin ang sobre na may lamang pera. “Thank you, Julie ha. Ito oh tanggapin mo na to, pasasalamat ko na rin sayo.” kumuha ako sa wallet ko ng dalawang libo at binigay sa kanya. Hindi ko na binawasan pa ang pera na nasa sobre dahil tama lang yun pambayad ng lupa. “Naku wag na, mas kailangan mo yan. Estudyante ka lang at wala ka pang trabaho kaya alam ko na mas kailangan mo yan. Iponin mo na lang ang perang yan para sa mga thesis mo.” Hindi niya tinanggap ag pera na binigay ko sa kanya. “Sigurado ka na Julie? Naabala pa kasi kita kaya nahihiya din ako sayo.” Nahihiya na ngumiti ako sa kanya. “Ano ka ba, parang hindi naman tayo mag kaibigan. Saka okay lang naman dahil nilibre mo rin naman na ako ng pizza.” “Salamat Julie ha, mabuti na lang talaga at nandiyan ka.” “Wala yun. Paano yan? Ano ang plano mo ngayon na wala kang trabaho?” sa totoo lang hindi ko pa rin alam kung ano ang plano ko, isang linggo na akong walang trabaho. “Siguro mag apply na lang ako sa iba, kahit anong trabaho okay lang sa akin kahit taga hugas pa ng plato, pero susubukan kong mag apply sa isang coffee shop at baka makuha ako kahit bilang waitress lang.” Nakangiti na sagot ko. Alam ko naman na mahirap na ngayon mag hanap ng trabaho pero susubukan ko pa rin. “Alam mo sayang din ang trabaho mo sa V-bar, okay na rin sana doon kasi malaki na ang sahod mo at may tip ka pang matatanggap sa mga regular customer kapag nagustuhan nila ang service mo.” Totoo naman ang sinabi niya na maganda talaga ang trabaho namin sa V-bar dahil maganda ang sahudan at malaki din ang tip na makukuha mo. “Kaya nga eh, magandang naman talaga dun, kaya lang ayaw ko na muna bumalik dun Jul. Saka na lang siguro kapag kaya ko ng humarap kay sir Vince at may sir Marc.” paano ba naman na hindi ako mahihiya na humarap sa kanila eh, kinupitan ko ang wallet ni sir Marc pati picture niya doon ay kinuha ko pa. Sigurado na sinabi na niya iyon kay sir Vince kaya sobrang nakakahiya talaga kapag nagpakita pa ako sa kanya. Malaking pera din kasi ang nakuha ko sa wallet niya trentamil din kasi iyon ng bilangin ko, kaya sobrang nahihiya ako. Alam ko na ang iniisip na niya sa akin ay isang magnanakaw pero kinuha ko lang naman ang tamang bayad sa pagkuha niya sa p********e ko. “Oh, siya kung yan ang gusto mo, Sige na ha mauuna na ako sayo at may pupuntahan pa ako. Ingatan mo ang pera na ipapadala mo sa mga magulang mo at baka mawala pa.” Aniya na nag paalam na sa akin. “Sige Julie, salamat ulit ha. Pangako babawi ako sayo sa susunod kapag nakahanap na ako ng bagong trabaho.” Muli ako yumakap sa kanya. Malaki din ang pasasalamat ko na naging kaibigan ko siya dahil mabilis lang talaga siyang lapitan kahit noong una pa lang namin magkakilala. Nang makasakay na si Julie sa bus ay pumara na rin ako ng jeep at bumaba sa pinakamalapit na remittance center para ipadala ang pera kina mama. Nang maipadala ko na sa kanila ang pera ay agad akong tumawag sa pinsan ko at sinabing nahulog ko na ang pera para sa pambayad sa nakasangla naming lupa. Pagkatapos kong maipadala ang pera ay pumasok na rin ako sa klase ko. Madami din kasi akong hahabulin sa klase dahil dalawang araw akong absent pagkatapos. Nilagnat kasi ako ng dalawang araw pagkatapos akong angkinin ni Marc kaya hindi ako nakapasok sa school ng dalawang araw. Ramdam ko din kasi ang pamamaga ng kiffy ko dahil sa malakas na pag bayo niya at pag sagad niya sa kiffy ko. Kaya ang dami ko tuloy hahabulin sa mga subject ko na hindi ko na pasukan ng dalawang araw. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . BAKA WANT NIYO DIN PO BASAHIN ANG STORY NG ANAK NI MARC AT MARY NA SI MARCO.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD